Isa lang ang Tsina
VIEW FROM CALUMPANG

Isa lang ang Tsina

Jun 2, 2026, 1:30 AM
Diego S. Cagahastian

Diego S. Cagahastian

Columnist

MISMONG si Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang nagsabing ang foreign policy ng Pilipinas ay One-China Policy, na siya ring kinikilala ng buong mundo. Liban na nga lamang sa ilang maliliit na bansa sa Africa, tulad ng Eswatini (dating Swaziland).

Dahil sa policy na ito, ang lahat ng mga opisyal ng bansa at ang buong burukrasya ay kinakailangang sumunod kung kanilang iginagalang ang Pangulo at ang bansa.

Ito'y sapagkat ang Presidente ay siyang principal na arkitekto ng foreign policy--- hindi ang Supreme Court, at hindi rin ang Congress of the Philippines (House of Representatives at Senate). Kinikilala ni Marcos na iisa lamang ang Tsina, at ang Taiwan ay isang isla o teritoryo na sa history ng napakahabang panahon ay bahagi ng Tsina.

Tulad din naman ng mga features sa South China Sea na tinatawag na Scarborough shoal. Ang tawag ng Pilipinas dito ay Bajo de Masinloc at Panatag shoal, ngunit ito ang tunay na Huangyan island.

Kaya't ipinagtataka ng Chinese Embassy sa Pilipinas kung bakit may mga suwail at mayayabang na opisyal ng gobyerno natin at mga Pilipinong nasa private sector ang hanggang ngayon ay patuloy na ginugulo ang relasyon natin sa China.

Hindi nila matanggap ang polisiya ng Republika ng Pilipinas na iisa lamang ang China.

Isa sa mga mapanggulong ito ay si Jay Tarriela, mataas na opisyal ng Philippine Coast Guard na mahilig magkomento tungkol sa foreign relations na siyang trabaho ng Department of Foreign Affairs, hindi ng Coast Guard.

Sinabi ni Guo Wei, pangalawang tagapagsalita ng Chinese embassy, ang ganito tungkol kay Tarriela: “Jay Tarriela, as a Philippine government official, openly accused China on social media of “threatening Taiwan,” thereby grossly interfering in China’s internal affairs. Do his remarks represent the official position of the Philippine government or the Philippine Coast Guard? Does he submit to the leadership of the civilian government represented by President Marcos? He must immediately retract his inappropriate remarks concerning Taiwan and issue a public apology. China reserves the right to pursue all further actions in response.”

Sa panahong ito na nagiging geopolitical flashpoint ang Taiwan sa ating rehiyon sa Asia, na kahit na nga si Bongbong Marcos ay namimili ng wastong pananalita kapag tumatalakay sa issue ng Taiwan, hindi kailangan ng Pilipinas ang mga tulad ni Tarriela na ang tanging pakay ay makapanggulo sa Philippines-China relations.

Dapat niyang hayaan ang DFA at ang Palasyo sa gawaing ito.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #ViewfromCalumpang

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.