Immature political thinking
(Un)Common Sense

Immature political thinking

May 6, 2026, 3:27 AM
James Veloso

James Veloso

Writer/Columnist

Here’s a question to those who claim that they are against Communists: do you really understand – or even know – what Communist ideology actually is?

Amid the incessant “red-tagging” and derision among anti-Communists of the 19 recently killed in Negros Island have once again forced in me a question that has plagued me for some time: ano nga ba ang pagkakaintindi ng mga Pilipino sa Komunismo? O sa kapitalismo? O sa kahit anong ideolohiyang pulitikal?


Matabang ako sa Komunismo, pero nauunawaan ko ang puntong nais ipahayag nina Marx, Engels at iba pang mga teoryistang Komunista. Ang kanilang mga paniniwala ay nagbunga sa isyu ng kahirapan, korapsyon, lantarang pang-aabuso ng mga imperyalista, at pagsupil sa mga kalayaan at karapatan ng mga mamamayan – mga isyu na, aminin natin, hanggang ngayon ay kinakaharap pa rin ng mundo.


Maswerte ako na lumaki ako sa panahong mahigpit pa ang emphasis sa pagtuturo ng Sibika at Kultura (sa elementarya) at Araling Panlipunan (sa sekundarya). Dito ko naunawaan ang iba’t ibang mga ideolohiya at pulitikal na paniniwala na siyang nagpapakilos sa mundo natin ngayon. Para sa akin, umayon ka man o hind isa ideolohiyang itinuro sa atin, ang mahalaga ay nagkaroon tayo ng higit na pagkaunawa.


Ang problema, sa palagay ko, ay nanuot na sa atin ang naging matinding “anti-Communist” stance na idinikta ng Estados Unidos sa kalagitnaan ng Cold War, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinrisinta ang Soviet Union at ang China bilang mga manunupil at mapang-aping mga rehimen, habang ang Estados Unidos ang sandigan ng kalayaan at demokrasya.


Isabay pa dito ang pagiging “personality-based” ng ating sistemang pulitikal. Sa halip na magkaroon tayo ng isang “set of principles” na maaari nating gawing sandigan, sa pulitiko na tayo bumabase ng ating sariling mga paniniwala. Ang mga prinsipyo natin ay naging parang damit na pwedeng isuot at pwedeng tanggalin depende sa uso, depende sa popularidad, depende sa kung anong prinsipyo ang mas makakabenta o mas makakabili ng boto.


Sa aking palagay, ang kawalan natin ng pagkakaunawa sa ideolohiya ang siyang dahilan kung bakit nadadala pa rin tayo sa pangako ng mga pulitiko tuwing halalan. Ito ang dahilan kung bakit tila ayaw manindigan ng mga tao sa anumang makabubuti para sa bayan, lalo na kung taliwas ito sa gusto ng iniidolo nilang pulitiko. Ito ang dahilan kung bakit nabingwit tayo sa idolatriya at pagiging kapit-tuko natin sa mga taong hindi naman talaga karapat-dapat maging pinuno, at pagtanggi natin sa mga taong may kakayanan – dahil lamang hindi natin gusto ang kanilang paniniwala.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.