(Un)common Sense by James Veloso
(Un)Common Sense

Hopes and fears

Nov 26, 2025, 7:04 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Allow me to get a bit candid here in my column space: I am more fearful than hopeful for our country’s future.

While I believe various sectors should become stronger, more forceful in their statements against government corruption and the decaying state of our country’s politics, I understand why many anti-Marcos elements have so far hesitated to call for him to resign.

The reason: the alternative of allowing the daughter of a bloodthirsty tyrant, to become the country’s leader at a time when it is too fractured could lead to further destabilization, or worse, a takeover by the military.

I am not kidding, nor am I fear-mongering. The call of some retired generals for the country’s armed forces to withdraw support from the government has raised alarm – and with good reason.


There are fears that a military coup could turn our country into another Sudan, where military forces have perpetuated a cycle of violence against innocent civilians. At hindi pa ba tayo natuto sa mga karahasan na dinanas ng ating mga kababayan sa kamay ng militar noong panahon ng Martial Law?

---o0o---

Naniniwala ako na ang pinakamabisang solusyon sa isyu ng kung sino ang mamumuno sa ating bansa kung sakali mang magbitiw o mapatalsik sa pwesto ang Pangulo ay ang magtalaga ang mga sektor ng isang “neutral leader”: isang tao na walang kaugnayan sa mga political dynasty, walang bahid ng korapsyon, at higit sa lahat ay kayang pagkaisahin ang ating bansa.

May precedent na iyan. Tingnan natin ang nangyari sa Bangladesh noong 2024, nang matagumpay na napatalsik ng mga nagpoprotesta (na kailangan kong i-point out ay puro mga kabataan) ang pamahalaan ni dating Prime Minister Sheikh Hasina, nagpasya ang mga lider ng bansa na magtatag ng interim government na hindi kasama ang mga dating namumuno sa bansa. At ang napiling mamuno ng interim government na iyon ay si Muhammad Yunus, isang kilalang ekonomista at Nobel Prize winner na nakilala sa kanyang mga hakbang upang mapalaya sa utang ang mga mahihirap na Bangladeshi at mabigyan sila ng maayos na credit line para makaahon sila sa kahirapan.

Sasabihin tiyak ng iba, “Sus, nananaginip ka lang, Mr. Veloso.” Pero para sa akin, ano ang alternatibo, sa kasalukuyang lagay ng ating bayan? Hahayaan na lamang ba natin na mas lalong magkawatak-watak ang ating mga kababayan – na, nais ko ring ipunto, ay maaaring maging ideal na oportunidad para sakupin tayo ng ibang bansa? (I could easily think of two rival countries who will certainly benefit from the fragmentation of our politics and society).

Let us effect the change, but in the process, let us be very careful that that change does not worsen the plight of the ordinary Filipino who we claim to free from the yoke of oppression, poverty, and corruption.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.