I’m going to be frank here: I was one of those who were disappointed by Naga City Mayor Leni Robredo’s decision to concentrate on local politics and refrain from running (again) for President in 2028.
But something she recently said strikes at the heart of why our country has become so dysfunctional in the last decades: the Filipinos’ penchant of searching for a Messiah who would instantly deliver their country from its ills.
In a radio interview, Robredo pointed out that there are other prominent leaders who can take her place and constitute a united opposition come 2028, as it’s becoming clear that the Marcos administration has turned into a lame-duck presidency and the Dutertes are once again attempting to reclaim the country’s highest position.
“Ako sa tingin ko dapat, alisin yung mentality na may isang savior. Dahil wala namang ganyan. Wala namang monopoly ng kakayahan,” was her exact words.
Sa aking palagay, dito na pumapasok ang tila walang hanggan nating paghihintay ng isang “tagapagligtas,” isang mesiyas na magdadala sa atin mula sa bingit ng pagiging “failed state.”
Totoo nga na kailangan ng bansa natin ng isang tunay na lider na kayang mapagkaisa ang mga Pilipino, Pero ang napansin ko kasi, mahilig tayong maghintay ng “tamang oras,” “tamang tiyempo,” “tamang pagkakataon” – at higit sa lahat, “tamang tao.”
Ang problema, paano kung yung “tamang tao” e magkaiba pala ang paniniwala sa personal nating paniniwala? E di “cancel” agad, hanap ulit ng isa pang lider na aangkop sa ating mga paniniwala.
Ang resulta, napag-iwanan na tayo, patuloy pa rin tayong umaasa sa “tamang tao.”
---o0o---
Pansinin ninyo ang nangyari sa halalan sa bansang Hungary ilang linggo ang nakaraan, kung saan pinatumba ng mga botante ang “illiberal democracy” (isang malaking kahunghangan, sa palagay ko) ng dating Prime Minister Viktor Orban.
Ang nakakagulat para sa marami ay hindi rin naman maituturing na progresibo ang tumalo sa kanya na si Peter Magyar.
Si Magyar ay pinuno ng center-right party na Tisza, at dati na ring naging bahagi ng gabinete ni Orban bago siya tumiwalag dahil sa isyu ng korapsyon.
Ngunit hindi hinayaan ng mga botante sa Hungary na maging hadlang ang rekord ni Magyar sa pagpili nila ng kandidato, lalo na’t marami sa mga nasa plataporma niya ay taliwas rin naman sa mga ginawa ni Orban.
“Hungary’s more liberal voters did not allow the perfect to become the enemy of the good,” ayon sa isang local political analyst.
Translation: ang mga botante sa Hungary, hindi na naghintay pa ng perpektong kandidato.
Taliwas man ang ideolohiya ni Magyar sa kanila, kung ang kanyang mga programa ay para naman sa ikabubuti ng mga mamamayan ng Hungary, nagpasya sila na sunggaban na ang pagkakataon na maibalik ang Hungary mula sa pagiging isang bansang unti-unti nang nalulugmok sa diktadurya, korapsyon at kahirapan.
Malinaw ang mensahe ni Robredo sa atin: Huwag na tayong maghintayan pa para sa isang “perpektong” kandidato. Dahil ang totoo, wala naman talagang “perpektong” kandidato.
Pero ang isa pang dapat nating matutunan ay ito: huwag na tayong umasa pa na may magliligtas sa ating bansa. Dahil ang totoo, walang ibang magliligtas sa bansa kundi tayo na rin.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #UnCommonSense

