Good News, Bad News; ‘Anything But China’
iTalk

Good News, Bad News; ‘Anything But China’

Apr 17, 2024, 12:33 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Good news ito sa mga walang trabaho at karagdagang oportunidad para sa mga maliliit na negosyante na gaya ng mga carenderia at iba pa dine sa lalawigan ng magigiting. Dahil nga naman ay mayroong magbubukas ng 5,000 new job opportunities para sa mga Batangueno lalo na yaong mga nakatira sa bayan ng Malvar kung saan naroroon ang light industrial park na pagtatayuan ng production plant ng EMS Group of Companies.

Katuwang diumano ng EMSGC ang isang kumpanya mula sa Europa sa pagtatag ng isang production plant ng mga kagamitan para sa kababaihan.


Nagmula mismo ang balitang ito kay Ferdinand Ferrer, pangulo at CEO ng EMS Group of Companies, noong nakaraang linggo na aniya, na sila ay nasa huling yugto na ng pagpapatibay ng pakikipag-ugnayan sa ka-joint venture nilang company mula Europe.

Ang EMS Group of Companies ay matagal nang nag-ooperate sa Pilipinas.


Mayroon na itong mahigit sa 15 taon sa operasyon na may humigit-kumulang na 18,000 na mga empleyado sa kanilang apat na lokal na subsidiary sa Laguna at sa Cavite, at ngayon sa Batangas.


Yun ang mga “good news” para sa kapwa nating mga Pilipino na naglalayong magkaroon ng desinteng trabaho upang makapamuhay ng marangal.


At heto naman ang bad news.


Ang bad news ay para sa bansang Tsina dahil ayon kay Ferrer, ang dahilan kung bakit mas piniling magpatayo ng planta ng kasosyo ng EMS dito sa Pilipinas ay mayroon aniya ngayong lumalagong trend na tinatawag na “ABC.”


Ito ngayon aniya ang lumalagong pandaigdigang trend sa mga business circles.

Ang "ABC" ay isang acronym na ang kahulugan ay "Anything But China."


Ito aniya ay nagpapakita ng lumalaking trend ng mga pag-alis o paglipat ng mga kumpanya mula sa China papunta sa ibang bansa sa Asia.


Bukod dito, mayroon din daw iba pang mga dayuhang negosyo, kabilang na ang isang Amerikano at isang Hapones na kumpanya, na naghahanap ng malilipatan ng kanilang operasyon palabas ng Tsina.


Sana nga lang sa Batangas pa rin ang bagsak!


Email iTALK @ ismaelamigo@yahoo.com .

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonColumn #ColumnbyIsmaelAmigo #iTalk


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.