Good luck na lamang po sa lahat!
iTalk

Good luck na lamang po sa lahat!

Oct 11, 2023, 3:41 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Oo, malaki ang maidudulot nito sa usaping lokal na pangtrabahuan o employment pati na sa usaping kita ng lokal na pamahalaan ng Santo Tomas City sa ngalan ng business permits at iba pang oportunidad pang-negosyo sa pamayanan.

Pabor ito sa mga taong may pambili at nangangailangan ng malawak na pasyalan na may aircon, mga palaruan ng mga mga bata na malamig ang kapaligiran, maluwag, atbpa.

Ngunit hindi lahat natutuwa sa napipintong pagbubukas ng SM Santo Tomas sa darating na Biyernes, October 27.


We can freely assume that those who are wearing a frown on their faces as SM’s opening date marches in are those of similar interest, business interests.


Foremost of this is Liana’s Supermarket (LS) which is just a stone’s throw away from the newest mall to rise in the province of Batangas.


Many have already predicted this early of LS’s demise although methinks it may not go down easily as it is where one can find products of good value but a lot less expensive o mas mura.


Maliban pa sa LS, nariyan din ang Savemore na matatagpuan na halos katabi lang ng din ng LS.


Sa harap ng Savemore ay nariyan din ang DIY hardware na nangangamba rin dahil tiyak na may ACE Hardware na tindahan din sa loob ng magbubukas na SM.


Katunayan, ang lupang kinatitirikan ng Savemore, DIY, Max’s at Krispy Kreme, at Conti’s, na may pangalang Gateway Drive, ay pag-aari rin ng pamilya ng dating mayor ng Santo Tomas na si Edna Sanchez.


Ang mga Sanchez din ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng SM, na dating kinatitirikan ng world-renowned zipper maker YKK bago ito nagsara noong kasagsagan ng pandemya.


Ang Savemore ay kahilira ng Pamilihang Bayang ng STC kung saan nangangamba rin ang maliit na mga tindahan dahil anila tiyak na maapektuhan ang benta at kita nila sa araw-araw kapag nagbukas na ang superstore ng mga Sy.


Sa harap naman ng palengke ay nariyan ang Puregold na sa ngayo’y manginig-nginig na rin sa tumbong sa kadahilanang hindi pa nga nagbubukas ang SM ay malaking nabawas na ang mga parokyano nito mula nang magbukas ang Savemore.


Nakabawas rin sa bilang ng mamimili ng Puregold nang lagyan ng harang sa gitna o median ang Maharlika Highway.


Dahil sa median, malayo ang iikutan ng sinumang mamimili bago pa makarating sa Puregold, kung kaya’t pupunta na lamang sa Savemore o Liana’s.


Ang ala-Eastwood City naman na Lifestyle Strip (sa may Shell gas station) ng pamilyang Agojo ay nangangatog na rin sa kasalukuyan sa kadahilang malamang sa alamang ay hindi na masyadong pasyalan ang mga locators nito gaya ng Starbucks, Kuya J’s, Goldilocks at iba pang business establishments.


Lesser parokyano, lesser kita equals foldup of a certain business enterprise.


Sa harap naman ng Lifestyle Strip nariyan din ang ATC Courtyard o Ascaño Town Center, na kinatitirikan ng Black Scoop, Kenny Roger’s at iba pang kainan.


May pangamba rin ang mga may-ari nitong pamilyang Ascaño na siya ring may-ari ng Rose and Grace Restaurant.


Ngunit ang bottomline nito ay, maari rin magdulot ang pagbubukas ng bagong SM ng positibong impact lalo na sa revenues ng local government unit ng STC at karagdagang oportunidad na trababo rin sa nakararami.


Ang masasabi lang po ng iTALK ay good luck nalamang po sa lahat ng mga mamumuhunan pati na sa South Supermarket grocery na kabubukas laang three months ago sa may bukana ng Avida, AyalaLand!

#iTalk #IsmaelAmigo #GoodLuckNaLamangPoSaLahat #SantoTomasCity #SMSantoTomas #EdnaSanchez #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.