Filipinos want change (but they really don't)
(Un)Common Sense

Filipinos want change (but they really don't)

Nov 10, 2023, 1:11 AM
James Veloso

James Veloso

Writer/Columnist

In the wake of last week's barangay and Sangguniang Kabataan elections, a Facebook friend of mine lamented (and I'm quoting him verbatim here), "Di na ako magtaka kung sa susunod na eleksyon, may sirang plakang salita tayong maririnig na 'para sa pagbabago,' 'na nuevo cambio' ("to the new way" in Chavacano,) 'maiba naman' sa mga kampanya, pero ang mga tao, gusto pa rin ng pareparehong bulok na sistema at pamamahala.”

I've disagreed with him on many fronts (particularly on the need for Charter Change), but his post, I saw, embodied the great paradox that is the Filipino.

Sigaw nga tayo nang sigaw ng "pagbabago" – pero ang totoo, ayaw natin ng pagbabago.

Medyo malabo, ano? Well, here's the way I see it. (Apologies to my editors if I have to switch to Tagalog here, but I hope this makes it even clearer for the readers.)

Sa tinagal-tagal nating pagsigaw ng pagbabago (kahit na noong panahon pa ng pananakop ng mga Kastila), napapansin ba ninyo na tila mas lalong lumalala pa ang sitwasyong pampulitika at pang-sosyal ng bansa?

Gusto nating magbago ang sistema ng pamumuno, pero pare-parehong mga trapo at mga inutil ang inihahalan natin sa mga matataas na posisyon. And, judging from surveys for the top senatorial posts for the 2025 midterm elections, it wouldn't be far-fetched to say that our Congress may as well become a zoo comprised of obedient apes and "ferocious" but lazy lions.

Ang gusto kasi nating pagbabago, yung ibang tao ang naaapektuhan, o di kaya yung pagbabago na hindi tayo gagastos nang malaki o di kaya ay magsasakripisyo nang malaki.

Pansinin ninyo, bakit puro ang usapan sa pagbabago ng ating gobyerno e Charter Change o pagbabago sa sistemang pulitikal, pero hindi "culture change" o pagbabago sa kaisipan ng masa pagdating sa pulitika?

Bakit lagi tayong sumisigaw ng "Vote Wisely" kung ayaw naman natin sa mga gusto talaga ng pagbabago (sasabihan pa silang "komonesta," gaya ng isang tumakbong SK kagawad sa probinsya na ni-redtag sa pangangampanya?)? Bakit ganoon pa rin ang ugali ng mga botante na dinadaan na lang sa "name recall," kasikatan, o kagwapuhan sa halip na sa credentials at plataporma?

Isa pang napapansin ko: gusto natin ng pagbabago, pero naghihintay tayo na ibang tao ang gumawa ng pagbabago, sa halip na magkusa tayo. Kailangan pa tayong itulak sa putikan para tayo umangat laban sa sistema. Hindi ba ninyo napansin na kinailangan pang mamatay ni Ninoy Aquino para magkaisa ang lahat ng Pilipino para patalsikin ang diktador?

True change is more than simply changing the mode of government; it meant a radical surgery of culture and mindset.

Pero heto ang matinding kabalintunaan: gaya ng sinabi ng manunulat na si George Orwell sa kanyang nobelang “1984” (sarili ko itong salin sa Tagalog): “Hangga’t hindi sila mamumulat ay hindi sila maghihimagsik, at hangga’t hindi sila maghihimagsik ay hindi sila mamumulat.”

#UnCommonSense #JamesVeloso #FilipinosWantChangeButTheyReallyDont #BSKE #BarangayElections #SangguniangKabataan #Elections #Pagbabago #ObedientApes #LazyLions #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.