'Dapat magturong tamad na lipunan’
(Un)Common Sense

'Dapat magturong tamad na lipunan’

Jul 3, 2026, 7:43 AM
James Veloso

James Veloso

Writer/Columnist

The recent spate of violence right inside our schools shouldn’t be treated as a political issue. To me, it’s more of a cultural and societal issue.

Some politicians have immediately jumped the gun (figuratively) following the recent shooting incident inside a school in Tacloban City where three students lost their lives at the hands of their peers.




As usual, puro mga “blanket ban” sa social media at gaming apps, o di kaya pagpapababa ng “age of criminal responsibility”.




At gusto pa ng iba na ihalo ang mga bata sa mga pusakal na kriminal, na para sa akin ay repleksyon rin ng isang lipunang handang itapon na lamang ang mga mamamayan nito na parang basura kapag wala nang pakinabang sa kanila. Sa totoo lang, ang pagpapakulong sa mga batang kriminal ay lilikha lamang ng mga matatandang kriminal.




Pero tila walang pulitiko o opisyal ng pamahalaan na gustong pag-usapan ang mas kritikal na isyu rito: ang bahaging ginagampanan ng lipunan sa paghubog sa pag-iisip ng mga kabataan ngayon.




Ika nga ng makatang si Francisco Balagtas: “Ang laki sa layaw ay karaniwang hubad, sa bait at muni, sa hatol ay salat.”


Ngayon, ang mga magulang, kung tamad disiplinahin ang kanilang mga anak (sa palagay ko rin, pwede rin naman nating disiplinahin ang ating mga anak nang hindi namamalo o nambubulyaw), e sila pa ang kunsintidor sa pagkakamali ng kanilang mga anak, o di kaya e tahasan pang ipinagtatanggol ang kanilang mga anak kahit na mali.




May nababasa na akong mga reklamo ng ilang mga guro na takot ibagsak ang mga estudyante nila dahil kukuyugin sila ng mga magulang na akala mo e perpekto na ang kanilang mga anak sa paningin nila.




Isipin ninyo: ano kaya ang magiging mindset ng bata na makakakita na binu-bully ng kanilang mga magulang ang kanilang mga guro? Na okay lang mambully kasi yun din naman ang ginagawa ng kanilang mga magulang?




Heto pang isang napapansin ko: noon, kapag may alitan ang mga magulang, lagi nilang iniiwasan na makita ito ng mga bata. Kahit na sa puntong malapit na silang mag-”break-up,” ang iniisip nila noon ay: hindi dapat madamay ang mga bata sa away natin.




Ngayon, wala na ngang pakialam ang mga tao kung buong bansa na ang makapanood sa sapakan nila (dahil na rin sa bilis ng Internet at makabagong komunikasyon), paano pa kaya kapag nagsuntukan sila sa harap ng kanilang mga anak?




Whatever a child does, to me, reflects not only his upbringing but also the society he lives in.




Kung ang buong mundo ay magiging marahas, sa tingin ba ninyo ay mananatiling matino ang isang bata na nagiging piping saksi sa nakikita niya?

#WeTakeAStand #OpinYon
#OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.