Where do we draw the line at “reserving” slots in public spaces?
In light of the increasing “viral” incidents of people who deliberately stand on parking areas to “reserve” the slots, to the annoyance of other car owners, bills have been filed in the House of Representatives criminalizing such behavior.
The fact that we have to have bills filed to things that require simple goddamn common sense, good manners and right conduct, to me, is a symptom of what other concerned netizens have lamented: the average Filipino has become so self-centered that consideration to others (malasakit sa kapwa-tao) has been swept to the side.
-o0o-
All symptoms of social ills start with petty courtesies, and this “culture of reservation” we seem to have acquired is no exception.
Sa palagay ko, nagsimula ito sa mga restawran, partikular na sa mga fast-food chain, kung saan ang rule ay “first-come, first-served.”
Dahil paunahan nga ang pagkuha ng mga lugar sa mga fast-food chain, lalo na kung maraming tao o di kaya’y limitado ang espasyo, ang karaniwang ginagawa ng iba ay ganito: kapag pami-pamilya o grupo ang magkakasamang kakain, isang tao ang kukuha ng table habang ang isa naman ang pipila para umorder.
Kapag may nakita tayong upuan na bakante at may nakaupo sa tabi, common courtesy na upang tanungin ang nakaupo, “May kasama po kayo?”
Kaya lang, sa tingin ko, nasobrahan na tayo sa habit na ito ng pagre-reserba ng upuan. Nadadala na natin ang ugaling ito sa mga lugar na hindi naman talaga dapat.
Pet peeve ko, halimbawa, ay yung mga nagre-reserba ng mga upuan sa mga bus, lalo na kung hindi naman “reservation-based” ang pagkuha ng upuan.
Mas malala pa ay yung mga pasaherong pinapakiusapan ang driver at kunduktor na huwag munang umalis dahil hindi pa dumarating yung kasama – na, kung pagbabatayan sa pag-uusap sa cellphone, ay malayo pa sa terminal.
Like, come on, hindi naman kayo mauubusan ng bus! May next trip pa naman! Bakit pa ninyo nais ipa-delay yung pag-alis dahil lang sa may hinihintay kayo? Nandadamay pa kayo ng mga pasahero na gustong makarating agad sa pupuntahan nila!
-o0o-
Siguro, isa na ring sintomas ang “culture of reservation” ng isang hindi kanais-nais na trait o attitude ng mga Pinoy: ang kagustuhan na laging mauna sa kahit anong aspeto ng buhay.
Ayaw nating nasasapawan, ayaw nating nauunahan, ayaw nating bigla na lang may sisingit sa harapan natin.
Pero hindi ba natin naiisip na iyang “pagre-reserba” natin ng mga parking space ay isa ring uri ng paniningit, ng panlalamang sa kapwa?
Hindi ba natin naiisip na sa habit nating ito, tayo rin ang nagpapanatili sa sistema ng “unahan” at “sapawan”?
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #OpinYonColumn #ColumnbyJamesVeloso #UnCommonSense