Congrats Mayor AJAM!
iTalk

Congrats Mayor AJAM!

Apr 24, 2024, 2:38 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Bilang isa ring Tomasino na kamuntik maging kapit-bahay sana ni Mayor AJAM sa San Rafael Estates ng Avida, tayo’y nagagalak din sa kanyang pagkahirang bilang Focal Mayor for Games and Amusements ng League of Cities of the Philippines.

Ito ay nangyari noong Huwebes (April 11, 2024) sa 44th Convergence & 77th National Executive Board Meeting ng LCP sa Cebu City.

Maayos at aktibo naman talaga din ang ama ng lungsod ng STC kung kaya’t well-deserved ang pagkakatalagang ito ng alkalde na sa ganang akin makakatulong sa patuloy na pagsulong at kaunlaran ng mga lungsod sa buong bansa.

Wala namang masama kung kalakip ng pamamahala na ito ni mayor AJAM sa Games and Amusements ng LCP ang pagtataguyod ng check and balances ng mga Casino maliban pa sa sports and recreations ng mga lungsod.


Halos lahat naman kas ng malalaking lungsod sa bansa ay mayroong Casino na gaya ng Calamba sa Laguna at Angeles City ng Pampanga at iba pa.

Karagdagang pondo rin naman kasi ng isang lungsod ang operasyon ng mga Casino.

Maliban pa riyan, nagdudulot rin naman ito ng hanapbuhay sa mga mamamayan.

Kung hindi tayo nagkakamali, maging ang Lipa City at Batangas City ay mayroon nang mga Casino.

Isang paalala lamang: Huwag magsugal kung nalulungkot.

Ang LCP ay kilala rin bilang simpleng Liga ng mga Lungsod. Ito ay isang opisyal na organisasyon ng lahat ng mga lungsod sa Pilipinas. Noong Hulyo 8, 2023, mayroong nang 149 lungsod na kasapi sa organisasyon.

Pangunahing layunin nito ang paglalabas, pagpapahayag, at pagpapakristal ng mga isyu na nakakaapekto sa pamamahala ng lungsod, at pagtitiyak, sa pamamagitan ng tama at legal na paraan, ng mga solusyon dito.


Kinatawan

Bawat lungsod ay kinakatawan sa Liga ng kanilang alkalde.

Sa kaso ng kanyang pag-aabsent o hindi pagkakasangkot, ang bise alkalde o isang miyembro ng sanggunian ng lungsod ay magiging kinatawan nito pagkatapos na halalanin para sa layuning ito ng mga miyembro nito.

Ang Liga ay nakaorganisa sa mga probinsyal at pambansang kabanata. Ang mga highly urbanized na lungsod ay bumubuo rin ng kanilang sariling kabanata. Bawat kabanata ay may sumusunod na hanay ng mga opisyal partikular na ang Pangulo, Bise Pangulo, at Board of Directors.


Nabenta ko lamang ang aking nakuhang lupa noon sa San Rafael Estates na malapit din sa infinity pool kundi, mga 40 steps lamang sana nasa gate na ako sa bahay ni Mayor AJAM ngayon.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonColumn #ColumnbyIsmaelAmigo #iTalk


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.