Hanga tayo sa pagiging confident ng magkapatid na Mayor Angeline "Sweet" at ng Kuya niyang si Mark na siyang naglalayong sumunod sa mga yapak ng kanyang nakababatang kapatid at ng kanilang yumaong amang si dating mayor Thony Halili.
Cool lang sila sa gitna ng agresibong public visibility campaign ng mga bankala nila sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang display ng political tarpaulins.
Tuloy, ‘di nating mapigilang mapatanong kung bakit parang olat na olat ‘kako kung tarps ang pagbabasehan ang magkapatid.
“Why ganun?” urirat natin sa isang close relative ng magkapatid na isa ring kapatid natin sa panulat/hanapbuhay.
“Timing is everything,” ‘ika n’ya. “Malayo pa ang tunay na laban.”
Hindi kaila na si Mayor Angeline “Sweet” Halili ay sadyang “sweet” ang datingan o arrive kumbaga ‘ika nga ng mga millenials.
Mayuming artistahin ang kanyang dating lalo na’t ang layo mo sa kanya ay parang pang-social distance protocol lang kumbaga.
At simple lang sya. Kumbaga confident ang composure nya’t halos walang kolorete na parang si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Wala tayong intensyong masama pero, ngunit, datapwat, dito tayo natatawa sa kanyang katunggaling kinilala ni Mayor Sweet na tiyahin.
At dahil nga tiyahin siya ni Mayor Sweet aba’y syempre mas malayo ang agwat nila sa edad.
Pero huwag ka kabayan. Kung ika’y nakatingin lamang sa mga tarpaulin na nakakabit sa kapaligiran ng lungsod Tanauan, masasabi mong magkasing-edad lamang sila ni Mayor Sweet!
Kung kaya’t tayo’y naglunsad ng konting pananaliksik. At nahirapan tayong makahanap ng data na makapagsasabi ng kanyang tunay na edad sa ngayon.
Hindi naman kaila na may angking kagandahan din si “Tita” lalo na noong kabataan niya na hindi ‘ika nga magpapahuli sa kangandahan ngayon na meron sa real time si Mayor Sweet.
Nagtataka lang tayo kung bakit hindi niya ginagamit ang tunay niyang larawan sa mga tarpaulin gayong ang kanyang asawa na katunggali ni “Kuyang MarkAng TanaOne” ay tunay naman ang gamit niyang picture.
Wala naman pong kaso sa pagiging senior na o seniora na ng isang tao dahil ito po ay grace from God. At isa pa, you can enjoy 20% discounts wherever you go in PH.
Libre ka pa nga sa mga comfort rooms sa mga malls na may bayad eh.
‘Yung lang po. Sobrang nagtataka lang po ang ating mga kababayan bakit ayaw tumambad ni “Tita” sa kasalukuyan niyang anyo.
Meron tayong nasaliksik sa kanyang FB page kung saan nagpapakita na meron siyang maiksing buhok sa ngayon na malayo sa picture niya na nasa mga tarps ng team nila.
Si Mayor Sweet na mayroon ding matamis na adhikaing manilbihan sa Third District ng Batangas, ay siya nang lubos sa mga tarps kaso may mga taong lubos pa o mas kahanga-hanga lalo sila sa personal.
Peace and prosperity to all sa Bagong Taon!
Email ismaelamigo@yahoo.com