The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Coffee chat with Mr. City PIO

Jun 9, 2021, 1:04 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer

SA nakalipas na halos 8 taon ay nagpakita ng commitment sa serbisyo publiko ang noon ay batang yorme, ika nga sa linguaheng kalye, ng mga simpleng tropa sa kalsada ay 'yanong galing baya ni meyor Dondon. Heto ang patunay dahil ayon sa kwento ni Kuya Arnel Avila, head ng Lucena City Public Information Office, ay ito ang mga ginawa at gagawin ni Mayor Alcala sa Lucena City.

Simply put, in an easy manner of explaining the matter, halaw sa aking kaibigang Englisero at columnist ng OpinYon Quezonin na si John Bello, ito lang naman ang ilang mga naipundar ni Yorme Dondon sa kanyang pamumuno.
 
Pag-usapan muna natin ang urban poor na natulungan, na sa bilang ni Kuya Arnel ay higit 50,000 indibidwal. Nagpagawa ang lokal na pamahalan ng 5-story tenement housing project para sa 625 mga urban settlers na karamihan dito ay mga nakatira sa tabing ilog ng lungsod. At yung housing project sa Don Victorville sa Bgy. Silangang Mayao para sa mga urban poor na nakatira sa Irrigation Site at sa mga empleyado ng city hall na wala pang sariling bahay.
 
Naniniwala si Yorme na kapag ang mga tao ay nabigyan ng disenteng tahanan ay mabubuo nila ang kanilang dignidad at taas-noong sasabihin na may bahay na kami ngayon at ito ay bigay ni Meyor Alcala.
 
Tungkol naman sa ekonomiya, ayon sa PIO Chief, sa kasalukuyan ay nasa pagsasaayos ang pamahalaan ng mga lugar sa lungsod batay sa inaprubahang Comprehensive Land Use Plan at dito ay mas nagiging klaro ang mga lugar na pupwestuhan ng mga magtatayo ng negosyo.
 
Halimbawa, may gustong magtayo ng funeral parlor sa tabi ng restaurant o coffee shop ay hindi pwede ito ngayon sapagkat may designated na mga lugar ang anumang negosyo na ilalagay ng mga kapitalista sa Lucena. Kaya ang kalalabasan nito ay organisado ang negosyo at mas magiging competitive ang alinmang bisniz enterprise ng mga mamumuhunan, at wala ditong sosyong laway, ang patutsada at nakatawang sabi pa ni Kuya Arnel.
 
Ating kumustahin ang human capital investment ng lungsod, at mababanggit ko agad ay Ang Dalubhasaang Panglungsod na naglalayong linangin ang kaisipan ng mga kabataan. Halimbawa ay si Kuya Mark Alcala, mula siya sa sektor ng kabataan, pero handa na siyang sumabak sa mas malaking challenge ng pamamahala sa lungsod ng Lucena dahil siya ang nakatakdang pumalit sa kanyang amang meyor.
 
Kaya di dapat maliitin ang kakayanan ng kabataan dahil meron silang taglay na kasanayan at mga innovative skills at solusyon sa mga problema ng lungsod.


Teka, kumusta naman ang sektor ng mga magsasaka? Ala eh, di sila nakakaligtaan ni Meyor, katunayan ay sila ang isa sa pinakamalaking sektor na kumakatawan sa populasyon ng lungsod. Patuloy ang pagsusulong ng modernong agrikultura para sa mga magsasaka at kabilang dito ay ang maintenance ng irrigation canal, pagbibigay ng mga makina at farm inputs tulad ng mga pananim at pataba sa mga palayan at patanimang gulay.
 
Tungkol naman sa mga bashers ni Yorme, eh di na namin sila iniintindi, ika ni Kuya Arnel, basta ginagawa ni Meyor Dondon ang sa tingin niya ay maganda at makabubuti sa kanyang mga kababayan.
 
Tulad halimbawa ng ginagawang open park sa Pleasantville Subdivision na ang mga puna nila ay bakit daw sa panahon pa ng pandemya ginagawa ito. Ang sagot ng PIO Chief: Walang ni isang sentimo ang ginagastos sa nasabing proyekto ang lokal na pamahalaan. Ang P16 M ay galing sa Department of Budget and Management para sa beautification ng mga LGUs, at isinangguni ang proyekto sa homeowners, Lucena City Tourism Council at Sangguniang Panglungsod.

Naniniwala si Meyor Dondon na darating and panahon ay magiging sentro ng entertainment, restaurants, arts at coffee shops ang nasabing lugar. O di ba susyal? Masayang nagtapos ang aming chikahan at hindi ko namamalayan na ubos na pala ang isang tasang kape, ang masarap na Mark Cafe 5 in 1 na siya niyang tinimpla sa amin ng kasama kong si Sol Luzano, managing editor ng OpinYon Quezonin.#


More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

PAGKAIN

a day ago

The Equalizer, Ace Fernandez

BEASTFREN

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.