The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Climate change is here

Sep 22, 2021, 12:45 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

SOMETIME ago, stunned Filipinos watched as flood waters spawned by a typhoon rose in matter of hours throughout Metro Manila and adjacent areas, sweeping away not just the usual shanties straddling waterways but also heavy vehicles

Most countries now realize that the planet will be seeing unprecedented phenomena. This is about Climate Change. The result of man's abuse of the resources of Mother Earth.

Every day, every year, billions of particle pollutants like carbon dioxide are emitted into the air by industries and car engines while the trees that could have mitigated this pollution are decreasing in number due to illegal logging and the "kaingin" or slash-and-burn system.

In the Philippines, efforts have been undertaken to improve disaster mitigation response and weather forecasting capability, but the response to the storm surge and the cataclysmic flooding in some areas shows that much more must be done.

An expert said that long-term water management measures could include building channels that divert water away from residential and industrial enclaves to areas that can use the water from dams so that release can be done in smaller increments even if more frequently to reduce the risk of flooding.

Other countries are rushing to boost their defenses against natural disasters -- pero paano tayo, ano ba ang ginagawa ng gobyerno at ng mga Pilipino? Meron na ba tayong natutuhan sa bagyong Yolanda na libong buhay ang nawala at bilyong halaga ng kabuhayan at hanapbuhay ang nawaldas.

 
Naalala ko tuloy si dating DENR Secretary Gina Lopez dahil inakala ko na susuportahan siya ng mga miyembro ng Commission on Appointments sa Kamara at sa Senado dahil sa mata ng publiko ay siya ang tamang tao na mamumuno sa nasabing ahensya. Ngunit nagkamali ako dahil mas nanguna ang personal na interest ng mga nasa Kongreso na kakatawan sa mga sakim na mining companies sa bansa na siyang nagiging dahilan ng malawakang pagkasira ng kabundukan at kalikasan.

Dahil sa kanilang kasakiman, kasabwat ang mga dayuhang kapitalista ay walang magawa ang maliliit na mamamayan kahit nakikita nilang pinuputol ang mga punong kahoy na kay tagal nilang inalagaan dahil kadalasan, mismong mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ang tumatanggap ng suhol sa mga gahaman.

Meron isang meyor na nagpakita ng tapang sa Palawan para ipatigil ang operasyon ng isang mining company sa kanilang lugar dahil ipinaputol ang halos sampung libong puno ng kahoy. Pansamantalang natigil ang operasyon nito at nagbunyi ang taong bayan ngunit sa bandang huli ang meyor ang nakasuhan at muling nag-operate ang mining company.
Ito ang masaklap na katotohanan dahil sa kailangan daw ng gobyerno ang kaunting barya na ibibigay ng mga dayuhang nagmamay-ari ng mga kumpanya kahit ang taumbayan ang nadidisgrasya.

Samantala, sa lalawigan ng Quezon ay may mga grupong patuloy na nagsisikap na magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa kahalagahan ng balanseng ekolohiya ng ating kalikasan. Si Atty. Asis Perez at si Jay Lim ng Tanggol Kalikasan, isang environment NGO, ay walang pagod na isinusulong ang proteksyon ng kalikasan kasama ang iba pang environmentalist katuwang ang DENR. Umaasa ako na sa pagdating ng panahon ay magbubunga
ang kanilang ginagawa upang matiyak na may mga grupong magpapatuloy ng kanilang sinimulang gawain para sa protection, conservation ng marine ecology at bio-diversity ng ating karagatan at kabundukan.

I believe that we should do the needed change to protect and preserve our only world, not tomorrow, but now. Naniniwala rin ako na ang isang mamamayang mayroong kamalayan at malalim na pag-unawa sa halaga ng kalikasan ay siyang magbibigkis sa ating lahat upang labanan ang hamon ng Climate Change.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.