Camilon Probe dapat ibigay na sa NBI
iTalk

Camilon probe: Dapat ibigay na sa NBI

Dec 13, 2023, 8:26 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Malaking halaga ang kalahating milyong piso na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Jeffrey “Jepoy” Magpantay, driver diumano ng prime suspect sa kaso ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ngunit sa kasamaang-palad, mistulang walang interesado sa P500,000 na iniaatang ni Sen. Raffy Tulfo para kay Jepoy.


Hiwalay pa ito sa P250,000 na pinasama-samang kantidad para sa ikakalutas ng kaso bilang cash reward.


Ambagan ito ng mga Batanguenong nagmamalasakit para sa pamilyang Camilon sa pangunguna ni Vice Gov. Mark Leviste.


Ngunit, datapwat, subali’t mistulang walang interesado sa nasabing mga halaga kasi magpahanggang ngayon nanatiling nakatitig ang sambayanan sa isang malawak na blank wall.


Kung dadako tayo sa sari-saring platform ng social media na gaya ng Facebook, at YouTube naroon ang contents ng mga digital creators tungkol sa kaso ni Catherine.


Marami ang nagsasabing maaaring mauwi lamang ang kaso sa “whitewash” dahil anila isang “kabaro” ng kapulisan ang sangkot partikular na yung dating hepe ng Bauan police force na may relasyon diumano ng nawawalang beauty queen.


Ito ang dahilan kung bakit giit ng maraming netizens na ilipat na anila ang imbestigasyon ng kaso sa NBI.


Ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ngayon ng PNP ang siyang namamahala sa kasong ito.


At kung bakit ayaw kuhanan ng DNA test sample ang mga nasasakdal ay isa ring mahalagang katanungan para sa mga netizens.


Mismong ang spokesperson ng PNP ang siyang nagsabi na dapat voluntary ang pagbigay ng DNA test sample ng mga akusado/suspect at hindi aniya mapupuwersa ng CIDG na sumailalim sila sa DNA test kung ayaw ng mga ito magbigay ng sample.


Isang dahilan pa rito ayon sa mga netizens ay malamang na ang PNP ay ayaw mismmo nito matukoy kung sino talaga ang may sala dahil kasiraan ito ng PNP kung mapapatunayan nga na may kinalaman sa kaso ang isang “kabaro” nito.


Ngunit, tayo ay naniniwala na meron pang ibang sangay ng gobyerno ang maaring sumapaw sa sinasabing ito ng PNP na hindi pupuwedeng kuhanan ng DNA samples ang prime suspect sa pagkawala ng beauty queen na dati ring isang high school teacher.

#iTalk #IsmaelAmigo #OpinYonBatangas #CamilonProbe #JepoyMagpantay #CatherineCamilon #Tulfo #NBI #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.