The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Body cam ng pulis-Lucena

Nov 17, 2021, 12:14 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

SA PANAHON ng pandemya ay dalawa ang kalaban ng Lucena PNP -- ito ay ang mga kriminal at ang coronavirus 2019. Ayon kay PLtCol Romulo Albacea, hepe ng Lucena PNP, pangunahin sa kanilang operation plan ay ang pagrespeto sa karapatan ng bawa't isang suspects lalo na ang kanilang ginagawang anti-drug operations sa lungsod.

Maging ang pagsi-serve ng warrant of arrest at search warrant ay tinitiyak ng mga kapulisan na involved sa operations ay may dala silang body camera upang mai- document ang kanilang activities at isa rin ito ay pagtitiyak na sinusunod ng mga police operatives ang lahat ng protocols ng kanilang mga lihitimong operation.

Ang lungsod ng Lucena ay may humigit na 300,000 populasyon na syang pinangangalagaan ng Lucena PNP.

Kabilang dito ang proactive approach o ang crime prevention programs na pinalakas pa ng partisipasyon ng mga mamayan sa barangay. Sa ganitong paraan ay makasisiguro ang mga Lucenahin na ang peace and order situation sa lungsod at hindi hahayaang mabigyan ng pagkakataon ang mga kriminal na gumawa ng masama sa sinumang indibidwal na namumuhay ng payapa at gumagalang sa batas.

Samantala, ipinaabot ni PLtCol. Albacea ang kaniyang panawagan sa mga Lucenahin na laging makipag-ugnayan sa kanilang tangapan kung meron silang nakikitang hindi kanais-nais sa kanilang komunidad.

Hindi rin anya sya papayag na ang sinumang pulis sa kanyang nasasakupan ay lalabagin ang karapatang pantao ng mga ito. Ito rin anya ay maliwanag sa doktrina ng kanilang operational protocols kaya walang sinuman ang pwedeng gumawa ng paglapastangan sa mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa ilalim ng ating Saligang Batas.

Sa kanyang mensahe ay nais ni Albacea na mag-ingat ang mga mamamayan sa COVID-19 at magsuot palagi ng face mask, face shield at laging sundin ang social distancing.

Iwasan din aniya ang pumunta sa mga social gatherings upang hindi mahawa ng salot na nakamamatay. Huwag din anyang mag-atubili na ipaabot sa kanila ang anumang concern sa kapayapaan ng alinmang lugar sa lungsod upang mabigyan nila ng mabilis na aksyon ito.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.