The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Bakunado ng STAN

Oct 20, 2021, 12:47 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

KARAMIHAN sa mga Pilipino ngayon ay nangangamba na baka isa sa kanilang pamilya ay tamaan ng salot na coronavirus 2019 disease.

Sabay na kinakalaban ng mga mamamayan ang kahirapan at Covid-19 na syang dahilan ng kamatayan ng ating mga kababayan.
 
Walang sagot na makapagbibigay ng kapanatagan sa damdamin ng mga nasa laylayan hanggang sa mabalitaan nila ang libreng bakuna na ibinibigay ng Serbisyong Tunay At Natural sa ilalim ng Sariling Sikap Program ni Congresswoman Dra. Helen Tan.
 
Ang libreng Anti-Flu at Anti-Pneumonia vaccine na ibinibigay nang libre sa mga nanay, tatay, sanggol na anim na buwan pataas, mga bata, senior citizens, kababaihan at iba pa, ay malaking tulong upang madagdagan ang kalasag laban sa Covid-19.
 
Ayon kay Dra. Helen Tan, may isang senior citizen na tinamaan ng Covid kahit na nga nauna na siyang tinurukan ng anti-flu, anti-pneumonia at anti-Covid 19 vaccines. Naospital ang senior citizen na ito at nang makalabas sa ospital ay tinawagan sya at itinatanong sa kanya kung bakit nagka-Covid pa rin sya sa kabila ng may bakuna na sya.
 
Ipinaliwanag ng Doktora ng Bayan na malaking tulong sa kanya ang pagkakaroon ng bakuna dahil kung hindi ay baka hindi na sya nakalabas nang buhay sa ospital.
Sa ganitong punto ay lalong naging maliwanag sa kanyang mga kababayan ang kahalagahan ng bakuna. Isang paglilingkod na ibinibigay sa mga mamamayan dahil ito ang kanyang paraan para maibalik sa kanila ang hiniram na kapangyarihan.
 
Sa nakalipas na panahon, sinubok ang katatagan ni Congw.Helen Tan sapagkat sa lahat ng kabutihang kanyang ginagawa ay sinasabing politika lang ang dahilan. Ipinagpatuloy niya ang sinimulang serbisyo at dinagdagan pa ng libreng oxygen sa mga pasyenteng nahihirapang huminga dahil sa pagbaba ng kanilang oxygen level dahil sa Covid-19.

Kung bibili ng oxygen ngayon ang isang pasyente ay P11,000 ang kailangan nya. Sa isang magsasaka na kumikita lang ng P300 ay mabigat ang ganitong halaga. Kaya minabuti ni Congresswoman Tan na ngayon ay kandidatong gobernador ng lalawigan na ituloy ang kanyang sinimulan dahil alam nya na sa bandang huli, panalo ang mamamayan at hindi ang kanyang mga kritiko na walang iniisip kundi ang gawing politika ang BAKUNA NG STAN.
 
Samantala, pasasalamat naman ang bukambibig ng mga tumanggap ng libreng bakuna dahil minsan pa ay natikman nila ang serbisyong STAN na walang pinipili at walang iniiwan sa laylayan na ang tanging pangarap lamang ay mamuhay nang payapa at may magandang kalusugan.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.