iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Bakit tumigil na ang PHO sa pagmonitor ng Covid Cases?

Dec 2, 2021, 12:28 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

BAGSAK na ang kaso ng Covid-19 sa halos lahat ng sulok ng Batangas at ito marahil ang dahilan kung bakit tinigilan na ng provincial health office ang pabibigay ulat ng coronavirus updates.

Bakit?

Isang dahilan dito na nakikita ko ay malamang na nawalan na ito ng gana dahil sa pabulusok ng mga kaso.

Isang halimbawa nito ay ang lungsod Lipa na dati-rati ay hindi nagpapatalo sa Batangas City sa bilang ng mga positibong kaso araw-araw.

Nitong huli, nagtala ang Lipa City ng bokya o zerong bilang ng Covid na hindi mapigilang mapalundag sa tuwa si Mayor Eric Africa.

Bakit?

Ito’y sa kadahilanang sa napakahabang panahon ang Lipa ay halos sumuko na sa sobrang dami ng mga nagkakaroon ng impeksyon ng nakamamatay na virus.

Ngunit hindi ito sumuko.

At nitong Miyerkules (24 Nov 2021) naging malinis ang record nito kasama ang iba pang bayan ng Batangas.

Ang lungsod Tanauan ay nag-ulat na meron itong tatlo (3): isang 49 years old, 30 years old at 34 years old.

Maliit na rin na bilang ito kung ikukumpara sa dating namumutiktik din ito sa kaso+ ng Covid.

Sa madali’t salita, maituturing ito na matibay na palatandaang pabulusok na ang kaso sa lalawigan ng Batangas.

Magugunitang nagpapalitan lamang ang Lipa City at Batangas City sa padamihan ng kaso nitong mga nakalipas na ilang buwan kung pumalo ang huli ng mahigit sa 500 na kaso sa isang araw habang ang una ay nagrerehistro rin ng hindi bababa ng 100 cases kada araw.

Nagsimula ang pagbulusok ng mga positibong kaso ng Lipa huling linggo ng Oktubre na bumagsak sa single-digit at nitong Miyerules na nga ay, gaya ng inaasahan ng city health office, ay malamang na tuluyan nang maging malinis ang record nila.

Sa kabuuan at sa kasalukuyang panahon, nagkaroon na ang Lipa ng 9,826 accumulated cases simula noong outbreak noong nakalipas na Marso 2020, pangalawa sa Batangas City na may 13,254 total cases.

Pumangatlo naman ang lungsod ng Sto. Tomas, tangan ang 6,234 na total kasunod ang Tanauan City na may 5,250.

Ang lalawigan ng Batangas ay may 34 na mga local government units at yung apat (4) na malalaking lungsod ang Top 4 sa bilang ng Covid cases.

Gayunpaman, nais nating igiit dito na ang lahat ng mamamayan ng lalawigan ng Batangas ay kailangan pa rin ng araw-araw na COVID UPDATES mula sa PROVINCIAL CITY HEALTH OFFICE dahil hindi pa po tapos ang laban sa Covid-19!

Email ismaelamigo@yahoo.com  sa inyo pong comments and suggestions.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.