Baha, Alamat, at Alaala
MARCHANISM MANIFESTO

Baha, Alamat, at Alaala

Tatlong Taon Mula Nang Maglaho ang Kamil Tree

Dec 17, 2025, 2:47 AM
Rommel Mark Dominguez Marchan

Rommel Mark Dominguez Marchan

Columnist

"Isang pagtalakay kung paanong ang pagbagsak ng isang enchanted tree ay naging paalala ng katatagan ng komunidad at ng di-mawawasang halaga ng ating mga lokal na folklore."

Tatlong taon na mula nang lamunin ng rumaragasang baha ang Kamil Tree....ang mahiwagang puno na higit dalawang siglo nang nagbabantay sa bayang Jimenez. Sa tatlong taon na iyon, hindi lang puno ang nawala; may bahagi ng ating pagkakakilanlan at kolektibong alaala ang tila naglaho kasama nito. Pero ngayong anibersaryo ng pagbagsak ng puno, panahon na para hindi lang magluksa....kundi muling balikan at buhayin ang kahalagahan ng ating lokal na folklore, lalo na para sa bagong henerasyon.


Bakit nga ba mahalagang ingatan ang ating folklore?


Una.....ito ang tulay sa nakaraan.


Sa panahon ngayon na mabilis magbago ang lahat....mula fashion trends hanggang memes.....madaling kalimutan ang pinagmulan. Ngunit ang mga alamat, gaya ng kwento ng Kamil Tree, ay paalala na bago pa man sumikat ang TikTok, bago pa man nauso ang mga filter at AI edits, may mga kwentong umiikot na sa ating mga ninuno.


Isipin mo: ang Kamil Tree ay nakatayo sa tabi ng Ilog Palilan sa loob ng mahigit dalawang daang taon. Ilang bagyo na ang humampas, ilang baha na ang nagdaan, pero nanatili itong nakatindig.....parang classic story na laging may moral lesson. At sa pamamagitan nito, nauunawaan ng kabataan kung bakit mahalaga ang resilience at lakas ng loob....hindi lang sa battles sa buhay, pati na rin sa identity bilang Jimeneznon.


Pangalawa.....ang folklore ay nagbibigay ng meaning at pag-asa.


Hindi sikreto na marami sa Gen Z ay nakararanas ng anxiety, pressure, burnout, at minsan, pakiramdam ng “What’s the point?” Pero kapag binabalikan natin ang mga alamat, may kakaibang lakas na naibibigay ang mga ito.


Ang kwento ng Kamil Tree ay hindi lang simpleng alamat; isa itong reminder na kahit gaano kalakas ang unos, may pag-asa. Noong bumagsak ang puno noong baha, sama-samang muling bumangon ang komunidad. Walang nagpatumpik-tumpik.....nagbigay ng tulong, nag-angat sa isa’t isa, naghanap ng paraan para makabangon. Ito ang vibe na kailangan natin ngayon: sama-sama, hindi kanya-kanya. Collective healing. Collective action. Collective hope.


Pangatlo.....folklore is culture, and culture is identity.


Sa dami ng influences sa digital world....K-POP, anime, Western shows, viral creators.....madaling mawala ang sariling identidad. Pero ang alamat ng Kamil Tree ay parang cultural anchor. Kung mawawala ang mga kwentong tulad nito, mawawala rin ang tanong na nag-uugnay sa atin sa kalikasan at kasaysayan: Saan tayo nanggaling? Sino tayo ngayon? Ano ang ating kwento bilang isang bayan?


At panghuli.....ang folklore ay pamana.


Hindi lahat ng pamana ay lupa o pera. May pamana na mas mataas ang value: kwento. Kapag ipinasa natin ang mga alamat, nagiging code ito ng ating collective memory....isang emotional heritage na mag-uugnay sa henerasyon ngayon at sa mga darating pa. Para itong legacy file na hindi dapat madelete.


Kaya ngayong ika-tatlong anibersaryo ng pagkawala ng Kamil Tree, gawin nating mas makabuluhan ang pag-alala. Hindi para magmukmok, kundi para muling buhayin ang mga kwento.....dahil dito naka-ugat ang lakas ng isang komunidad.


Sapagkat ang tunay na yaman ng Jimenez ay hindi ang pagkawala ng isang enchanted tree… kundi ang tibay ng alaala, pagmamahal, at pagkakapit-bisig ng bawat isa.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #MarchanismManifesto


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.