Baha
The Equalizer

Baha

Feb 11, 2026, 6:17 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Kasimbaho ng burak sa ilog ang mga lumabas na katiwalian sa DPWH at iba pang mga kasabwat nila.

Isang araw, habang banayad ang buhay sa pamayanan sa ilang lugar sa Bulacan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagsipasukan ang mga tao sa kani-kanilang tahanan.


Tumugal ng halos limang oras ang ulan at laking gulat ng lahat na may dumating na rumaragasang baha na may kasamang putik mula sa kabundukan na nagpalubog sa kanilang mga tahanan.


Hindi makapaniwala ang lahat sapagkat sa unang pagkakataon ay nalubog sa baha ang kanilang lugar kasama ang kanilang bahay ay kabuhayan na binalot na ng putik kasama ang kanilang kinabukasan.


Sa pagkakataong ito ay nagalit ang mga tao sa gobyerno.Sinisisi nila ang kabayaan nito at hinayaang lumubog sa baha ang kanilang mg tahanan.


Ngunit habang nagngangalit sa galit ang damdamin ng taong bayan ay nalaman ng publiko na bumabaha rin ng pera papunta sa bulsa ng mga mandarambong na mga Senador, Congressmen , mga tiwali sa DPWH at ang mga kasabwat nilang contractor.


Isa sa mga contractor na ito ay bumili pa ng payong na nakalagay sa Rolls Royce at nagkakahalaga ng P40 milyon pesos. Dahil sa dami ng perang ninakaw sa gobyerno ay ganun kadali sa kanila ang magwaldas ng pera dahil ang naisip nila ay muling babaha ng pera sa kanilang mga bulsa matapos makolekta ang kanilang pera sa DPWH mula sa isa, dalawa at tatlong ghost projects na nagkakahalaga ng daang milyon hanggang bilyong piso ang halaga ng mga ito.


Kaya naman sa pagbaha ng perang ninakaw mula sa buwis ng taong bayan patungo sa bulsa ng iilan ay milyong Pilipino ang nagugutom at lumubog sa baha.


Habang sila ay kayrangya ng buhay, kumakalam ang sikmura ng karamihan.


Isang katotohanan ang nakita ng sambayan....hindi lamang pera ang kanilang kinulimbat , maging ang kinabukasan ng mga Pilipino ay kanila rin ninakaw dahil sa bawat bahang nararanasan ng mga mamanayan ay lumalaki ang ninanakaw nila sa kaban ng bayan.


Kuruin mo...?


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #TheEqualizer


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.