The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Bagong Lucena ni Yorme Dondon

Aug 4, 2021, 7:16 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

NAGSIMULA sa pangarap at ngayon ay isa nang ganap na katuparan ang Bagong Lucena. Ito ang tema ng State of the City Address ni Mayor Dondon Alcala.

Sinimulan ni Mayor Dondon ang pundasyon ng maunlad na Lucena nang ang dating City College of Lucena ay ginawang Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena sa ilalim ng City Ordinance No. 2481 of 2013 na bahagi ng human capital investment. Layunin ng proyektong ito na mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mahirap na makapagtapos ng kolehiyo.

Nag-set ng standards ang pamunuan ng Dalubhasaan na dapat ay 85 percent ang average grades ng estudyanteng nagnanais na maging iskolar ng bayan na gagabayan ng mga piling professor na may mga doctorate at mga gurongmay malasakit sa kinabukasan ng mga kabataan. Binigyang diin pa ni Yorme Dondon na walang nakikialam na mga politiko sa kung anong mga pamantayan ng mga pinuno ng Dalubhasaan at tiniyak na dito ay walang palakasan. Sa paglipas ng panahon ay nadagdagan ng 9 na kurso ang dating 3 kurso at isang TESDA. Tatlo sa kursong inilagay sa DLL ay may Board o Licensure Exam at noong June 2020 ay nabigyan ng recognition ang DLL bilang Higher Education Institution na iginawad noong June 25,2021 ng Commission on Higher Education.Sa panlipunang serbisyo ay tumipa ng positibong resulta ang kanyang programa. Kasabay na pinabilis ang serbisyong pangkalusugan ay lumabas ang konsepto ng Yellow Card Program para matukoy ang tunay na marginalized sectors. Ang Bagong Lucena Health Program ay nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga Lucenahin.

Samantala, ang City Social Welfare and Development Office ay nagbigay ng tulong sa nangangailangan, tulong sa gamot at lab tests, at hospitalization. May 22,658 Senior Citizens at 8,000 PWDs na nabigyan ng taunang Birthday Cash Gift sa halagang P500.Mahalaga kay Meyor Dondon ang kapakanan ng lakas paggawakaya nagkaroon ng Institutionalization of Public Employment Office, at 80 percent ng mga empleyado sa mga negosyo dito ay mga Lucenahin.

Sumibol ang bagong City Hall upang maging simbulo ng Bagong Lucena. Mas maaliwalas at komportableng napapaglingkuran ang mga Lucenahin. Ang pagtatayo ng Government Complex ng lungsod ay isang mahalagang achievement ni Meyor Alcala dahil nandirito ang sangay ng Department of Justice, City Health Office, ang itinatayong Lucena City Convention Center at iba pa.Ang Urban Poor Affairs Divisionay ganap nang departamento na ngayon ay Office of the Urban Poor Affairs. Dahil dito ay lalo pang napabilis ang serbisyo sa mga urban settlers gaya nang sa Don Victor Ville. Ito ay may 197 housing units na titirhan at matatapos na rin ang karagdagang 120 units. P74 M ang halaga ng Land Development ng Victor Ville mula sa Aboitiz Land.

Mayroon ding Resettlement Assistance Program for Local Government Units. Naglaan ng pondo ang National Housing Authority at LGU-Lucena para sa construction ng 77 housing units para sa mga Informal Settler Families na huhulugan nila ng P499.00 lamang kada buwan.

Bagaman malayo pa ang lalakbayin ng Bagong Lucena ay tiyak na magtatagumpay si Mayor Dondon Alcala dahil kasama nya sa pagtupad ng kanyangpangarap ang mga Lucenahin na lubos na umaasa sa kanya.#


More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

a day ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

a week ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tuyong Dahon

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.