Ang VP ay Hindi Accessory
MARCHANISM MANIFESTO

Ang VP ay Hindi Accessory

Siya ang Constitutional Successor, Hindi ang Caretaker Government

Dec 2, 2025, 2:28 AM
Rommel Mark Dominguez Marchan

Rommel Mark Dominguez Marchan

Columnist

Noong kumuha ako sa kursong Political Science, malinaw ang unang aral: ang Konstitusyon ang pinakamataas na batas ng bansa. Hindi ito pakiusap. Hindi ito optional. Ito ang blueprint kung paano gumagana ang estado at kung paano dapat umikot ang kapangyarihan. Doon nakasaad, malinaw at walang paligoy, na kapag nagkaroon ng vacancy sa Office of the President....dahil sa resignation, impeachment, incapacity, o kahit anumang dahilan.....ang Vice President ang awtomatikong hahalili. Walang kondisyon. Walang “kung gusto lang.” Walang “pero.” Walang “maliban na lang kung….”

Ito ang dahilan kung bakit nakakataas-kilay ang ideya ng caretaker government na bigla-biglang lumulutang ngayon. Para itong konseptong galing sa kung saang pulong na hindi nakasulat sa kahit anong bahagi ng 1987 Constitution.


Ang caretaker government ay hindi bahagi ng ating legal architecture; ito ay political invention, kadalasan lumalabas tuwing may nanganganib na posisyon, nanganganib na impluwensiya, o may natatapakang interes sa itaas. Kaya nang marinig ang argumentong “ayaw daw ng VP humalili” kaya kailangan ng caretaker, malinaw na may mali. Ang tawag diyan ay gaslighting ng buong bansa.


Hindi puwedeng sabihin na “ayaw ng VP” kung wala namang prosesong legal na nagsasabing puwedeng tanggihan ng isang VP ang constitutional succession.


Wala ring legal na basehan ang pagbuo ng caretaker government. Sa batas, hindi mahalaga kung ano ang gusto ng mga nasa itaas; ang mahalaga ay ang itinakdang proseso ng Konstitusyon. Sa madaling salita: Kung aalis ang Presidente, may papalit....at hindi iyon pwedeng imbentuhin lang ng mga politiko.


Ang papalit ay nakasulat na at pinagtibay ng taumbayan: ang Vice President. Kaya ang tanong na “Bakit may caretaker?” ay hindi inosenteng tanong.....ito ay palatandaan na may nagtatangkang umiwas sa batas at umiwas sa pananagutan.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonColumn #MarchanismManifesto


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.