The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Ang bisyo ay magserbisyo

Jul 21, 2021, 12:00 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

LAUREL, Batangas -- Dala ang pag-asa at mga ayuda ay binisita ni Sen. Bong Go ang bayan ng Laurel kamakailan. Katuwang ang iba pang mga ahensya ng pambansang pamahalaan tulad ng DA na kinatawan ni Regional Technical Director Dennis Arpia, DTI, Office of the Civil Defense at iba pa ay nagbigay ang senador ng 300 daang sakong bigas, groceries na labis na ikinatuwa ng Taal volcano evacuees dito.

Ayon kay Go, ang Batangenio ay matatapang at hindi sumusuko na inamin ng mga magulang ng kanyang ina ay nagmula sa Batangas na pumunta sa Mindanao para magnegosyo. "Kapag nagbabayanihan ay malalampasan natin ang lahat," dagdag pa ni Go.

Si Philip Salvador na malapit na kaibigan ni Senator Bong Go ay nagkwento sa harap ng mga evacuees at sinabing 24/7 ang serbisyong ibinibigay ng senador kahit noong wala pa ito sa politika.

Marami na rin anya syang nasamahang politiko na nangako, ibinoto at nanalo subalit ang kanilang mga pangako ay di natupad na hindi tulad ni Senator Bong Go na ang bisyo ay magserbisyo.

Lahat din anyang ipinangako ng senador mula nuon hanggang ngayon ay kanyang tinutupad saan mang sulok at panig ng Pilipinas. Kaya ang taong ang bisyo ay magserbisyo ay dumating sa inyo, ayon pa sa primyadong aktor.


"Alam kong mahirap ang panahon ngayon kaya magtulungan po tayo. Magtiwala po tayo sa bakuna dahil ito ang susi upang makabalik tayo sa dati,"

ito ang binigyang diin ni Senator Go sa lahat ng nanduroon kabilang sina Mayor Joanne Amo, Congresswoman Maitet Collantes ,Vice Mayor Rachele Ogalinola at mga mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Laurel, Batangas.

Nanawagan pa si Senator Bong Go na huwag mag-atubiling lumapit kanila ni Pangulong Duterte ang sinumang nangangailangan sapagkat handa silang magsilbi anumang oras na kailangan ito.


"Lumapit lamang kayo sa inyong mga lokal na opisyal para mapaabot sa amin ang tulong na kaingan nyo," pagwawakas pa ng senador.

More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

Tuyong Dahon

2 days ago

The Equalizer, Ace Fernandez

TSINELAS

2 weeks ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

3 weeks ago

The Equalizer, Ace Fernandez

SUNTOK SA BUWAN

a month ago

The Equalizer, Ace Fernandez

PAGKAIN

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.