Ampat na
iTalk

Ampat na

Jan 10, 2024, 2:11 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Naampat na ang nakakasulasok na amoy at tiyak nang makasasalubong sa Bagong Taon (2024), na Year of the Wood Dragon sa Chinese lunar calendar, ang management ng Mega Prime Foods Incorporated (MPFI) sa lungsod na ito.

Natitiyak natin na wala nang pangamba ang mga meari at empleyado nito sa batikos ng netizens.


Buong ningning na ipinagmalaki sa atin ng admin manager ng MPFI na si Ma’am Babylyn Lacuenta na wala na diumanong magiging reklamo pa ang netizens dahil naampat na nila ang nakakasulasok na amoy.


Binaha sila ng reklamo sa social media bago sumapit ang Pasko mula sa mga residente ng Avida sa Barangay San Antonio kung saan nakatayo ang planta ng MPFI.


Ngunit mula noon ay wala nang nakita pang nagpost pa ng kawangis na puna.


Halos kasabay kasi ng paglisan ng taong 2023 nang maibsan ang masangsang na amoy na tiniyak din mismo ng Human Resource at Administration Manager ng MPFI na si Ms. Babylyn Lacuenta na galing diumano nga sa planta nila.


“Nakipag-usap na po kami sa City Environment and Natural Resources office ng lungsod pati na kay Mayor Jhun Marasigan at napag-usapan nga po ang isyung ito,” wika ni Ms. Lacuenta ng ating makapanayam.


“Katunayan ay kasama pa namin ang mismong may-ari ng MPFI na si Malcolm Lim, patunay lamang na seryoso po kami sa aming adhikaing masolusyunal ang amoy,” dagdag pa niya.


“We went not see the mayor along with the owner to apologize and rest assured na we will do our best po at talaga naman pong inaaskyunan po namin yan,” aniya.


“But we are not just doing this dahil required ng municipality or the CENRO. Katunayan marami po kaming ikino-consider. We also drafted a letter din para ma-ensure din sa mga tao na we are really looking into this (issue),” diin pa ni Lacuenta.

“At sa tingin po namin sa hangin na ang problema kasi po nag-flushing na po kami sa mga kanal. We also required our delivery trucks na maglagay din sila ng catcher ng tulo ng dugo sa kanilang sasakayan habang naga-unload sa planta upang maiwasan ang kalat ng amoy.”


Kadalasan ay dumarating sa madaling araw ang delivery ng trucks ng mga isda.


Bago pa sumapit ang Pasko ay inanunsyo na ng manager ng MPFI na mayroon na silang ginawang mga hakbangin upang mapawi ang hindi kanaisnais na amoy mula sa planta nito.


Binanggit pa ni Lacuenta na “we are now in coordination na with Plantex company na siyang may ligtas na pamamaraan ng pagtanggal ng nakakasulasok na amoy.”


So, malamang na epektibo nga ang Plantex na kahit sa mga landfills ay ginagamit din.


Abangan natin kapag nagfull blast operation na ang MPFI nitong Bagong Taon.


Sana nga. Manatili maayos dahil libo rin ang empleyado nito. Sayang naman (kung masasara).

#iTalk #IsmaelAmigo #AmpatNa #MegaSardines #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.