Xiao Chua, maghahatid ng kaalaman sa mga San Pedrense
OpinYon Laguna

Xiao Chua, maghahatid ng kaalaman sa mga San Pedrense

May 11, 2026, 3:44 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Nais mo bang palawakin ang iyong kaalaman sa pamanang lokal ng San Pedro?

Magbibigay ng pagkakataon ang San Pedro City Tourism, Culture and the Arts Office (CTCAO) na tunghayan ang muling paglulunsad ng kanilang taunang heritage forum na Tertulya sa darating na Lunes, Mayo 25.


Kabilang sa mga tatalakaying paksa dito ay ang mga kinagisnang tatak San Pedro tulad ng ipinagmamalaking simbahan, tradisyon at produktong bulaklak—mga bagay na humubog sa pagkakakilanlan ng lungsod.


Isa sa mga inaasahang magiging resource speaker sa nasabing okasyon ang batikang historyador na si Dr. Michael Charleston “Xiao” Chua, na nakilala dahil sa kanyang adbokasiya upang mailapit ang kasaysayang Pilipino sa masa at kabataan.


Bukod kay Chua, iba’t-ibang dalubhasa sa pamanang San Pedrense ang nakatakdang magbahagi ng kanilang kaalaman para isulong sa mga residente ang malalim na pagpapahalaga:

  • Jason Coronado Sanchez

  • Kahloy Ponce de Leon

  • John Maverick Alviar


Gaganapin ang Tertulya 2026 sa Pacita Astrodome, San Pedro City simula 8:00 a.m. hanggang 12:00 p.m.


Para sa mga nais dumalo, maaaring magparehistro sa sumusunod na link: https://bit.ly/tertulya2026

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.