Dead on arrival sa pagamutan ang isang welder matapos makuryente habang nagtatrabaho sa Calamba City nitong Lunes, April 15.
Ayon sa ulat ng Calamba City Police Station, naganap ang insidente bandang alas-kwatro ng hapon sa isang ginagawang fast-food chain sa Barangay Bucal ng nasabing lungsod.
Sa pahayag ng ilang saksi, pababa na umano ng hagdan ang biktima na kinilalang si Aldwin Mangano Castro nang tumama ang hawak niyang bakal na T-runner sa isang live wire, dahilan upang makuryente ang biktima.
Isinugod pa sa J. P. Rizal District Hospital si Castro ngunit hindi na rin siya umabot nang buhay sa ospital.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.
#WeTakeAStand #OpinYon #CalambaCityLGU