Wanted na kidnapper, timbog
Arrest

Wanted na kidnapper, timbog

Mar 23, 2026, 8:04 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Matagumpay na naaresto kamakailan ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang 27-anyos na lalaki na kabilang sa Top 10 most wanted ng AKG.

Batay sa imbestigasyon, sangkot ang hindi pinangalanang suspek sa pagdukot sa isang batang estudyante noong 2025, isang insidente na nagdulot ng trahedya nang masawi ang drayber ng biktima.


Binigyang-diin ni PNP Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy ang pagtutok ng kapulisan upang mapanagot ang mga sangkot sa ganitong uri ng krimen.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek, habang inihahanda ang mga susunod na hakbang para sa prosesong legal.


(Larawan mula sa PNP-PIO)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.