Wanted Kanong rapist, arestado
Arrest

Wanted Kanong rapist, arestado

Feb 12, 2026, 8:06 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Timbog ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) sa Lucena City, Quezon ang isang Amerikanong pugante na wanted sa iba’t ibang kasong sekswal, kabilang ang panggagahasa sa isang menor de edad.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, inaresto si alyas “Jan” matapos na ipagbigay-alam ng gobyerno ng Estados Unidos sa mga awtoridad ng Pilipinas ang kanyang kinaroroonan.


May inilabas na warrant of arrest ang Superior Court ng Washington sa King County noong 2024 laban kay “Jan” para sa kasong rape (second at third degree) sa ilalim ng Revised Code of Washington, pati na rin sa iba pang reklamo.


Binawi rin ng pamahalaan ng US ang kanyang passport at idineklara siyang “undocumented alien.”


Batay sa beripikasyon, huling pumasok si “Jan” sa Pilipinas noong 2023 at hindi na nag-renew ng kanyang visa, dahilan upang siya ay ituring na overstaying alien.


Ayon pa sa mga rekord, mayroon siyang aktibong Blacklist at Watchlist Orders dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.