Walang Tamad sa Quezon:
Quezon

Walang Tamad sa Quezon:

Ang Katotohanan sa Gitna ng Hamon ng Buhay

Apr 30, 2026, 5:55 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Sa panahon ngayon, lalo pang tumitindi ang hirap ng buhay—tumataas ang presyo ng bilihin at bawat piso ay kailangang paghirapan.

Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling totoo ang isang bagay: Walang tamad sa Quezon.


Ang pamosong katagang ito, na makikita sa tanyag na landmark sa Sariaya, Quezon at likha ni Billy Andal, isang mamamahayag ay hindi lamang simpleng slogan.


Isa itong buhay na katotohanang sumasalamin sa bawat sulok ng Lalawigan ng Quezon.


Dahil sa mga pagsubok ng buhay, lalo namang nagsisikap ang mga Quezonin.


Makikita ito mula sa mga magsasakang maagang bumabangon para magtrabaho sa bukid, mga mangingisdang nagsusumikap sa gitna ng alon, hanggang sa mga empleyado at negosyanteng araw-araw ay nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.


Sa Quezon, bawat kamay ay abala, bawat paa ay laging kumikilos, at bawat isip ay patuloy na naghahanap ng paraan upang mabuhay at makaahon.


Ang "Walang Tamad sa Quezon" ay nagsimula pa noong Enero 1990, bilang isang adbokasiyang naglalayong itaguyod ang kasipagan bilang susi sa kaunlaran.


Ipinagmamalaki ng pahayag na ito na ang mga taga-Quezon ay kilala sa pagtitiyaga at kasipagan—hindi sumusuko kahit sa harap ng matitinding pagsubok at palaging nakakahanap ng oportunidad.


Ang landmark sa Sariaya ay naging simbolo na ng pagkakakilanlan ng mga taga-Quezon.


Paalala ito na sa ating lalawigan, ang dangal ay nakikita sa sipag at tiyaga.


Sa hirap man o ginhawa, nananatiling matatag at masipag ang mga Quezonin, laging kumikilos para sa kinabukasan.


"Walang Tamad sa Quezon"—hindi lamang ito salita, kundi isang buhay na pamumuhay.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.