Waitlisted noon, Summa Cum Laude ngayon
OpinYon Laguna

Waitlisted noon, Summa Cum Laude ngayon

Jun 15, 2026, 3:27 AM
Jeremy Rago

Jeremy Rago

Contributor

Mula sa pagiging waitlisted patungo sa pagiging Summa Cum Laude at Class Valedictorian ng Class of 2025 ng University of the Philippines - Los Baños (UPLB), si Alyssa Niega ay tumatayo bilang isang matibay na inspirasyon para sa mga kabataan ngayon.

Sino bang magaakala na mula sa estudyanteng nangangarap lang maging iskolar ng bayan ay makakapagbigay pa siya ng speech bilang university valedictorian, summa cum laude, at may degree ng BS in Human Ecology sa ginanap na 53rd UPLB Commencement Exercises kamakailan?


Si Alyssa ay tubong Calamba City, Laguna at pangalawa sa tatlong magkakapatid.


Siya rin ang unang nakapagtapos sa UPLB sa kanyang pamilya.


Hindi raw naging madali ang paglalakbay ni Alyssa sa unibersidad dahil noong 2020 ay hindi siya nakapasa sa UPCAT.


Sa kanyang pag-apela para sa reconsideration ay nakapasok siya sa College of Human Ecology.


Noong una ay pinangarap niyang tahakin ang landas ng BS Biology at BS Nutrition ngunit redirection lamang pala ito ng tadhana.


Sa pahayag ni Alyssa mula sa Iskolar ng Bayan page, “What is the point of coming this far if the journey ends with us?”


Ang kanyang kwento ay isang paalala sa kapwa niya estudyante na ang pagtatagumpay ay hindi nakukuha sa pagiging perpekto pero sa pagpupursigi makuha ito.


OpinYonistas, ngayong graduation season na, palagi nating tandaan na ang buhay ay hindi karera, minsan mabilis, minsan mabagal, pero palaging nasa tamang oras!

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.