Nasorpresa hindi lang ang mga suki kundi maging ang may-ari ng isang lugawan sa San Pedro City sa naging bisita nito noong Martes, May 19.
Dumayo kasi ang sikat na vlogger at certified San Pedrense na si Viy Cortez upang matikman lang ang ipinagmamalaki ng Bhonnette’s Lugawan sa Barangay Poblacion.
Malaki tuloy ang pasasalamat ng nasabing establisimyento para sa kaniya dahil binigyang pansin at suporta nito ang kanilang negosyo.
“Napaka-ganda at simpleng tao ang bumisita sa aming Lugawan,” anila.
Biro naman ng ibang mga netizen na San Pedrense rin, hindi kaya nakaranas ng panunungit si Viy, lalo na’t notoryus umano sa pagiging masungit ang ilang vendor sa palengke ng San Pedro?
Tiniyak naman ng iba pang mga netizen na mababait ang mga staff ng Bhonnette’s Lugawan.
Ang nasabing lugawan ay isa sa mga kinikilalang haligi ng buhay at pamumuhay ng maraming San Pedrense.
Simula nang buksan ito noong 1980, naging parte na ang Bhonnette’s Lugawan ng makulay na kultura at culinary tradition ng lungsod dahil sa mura at masarap nitong lugaw.
(larawan mula sa Bhonnette’s Lugawan/Facebook)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #ViyCortez #TeamPayaman

