UPLB at San Pablo, magkasangga para sa 'Seven Lakes'
OpinYon Laguna

UPLB at San Pablo, magkasangga para sa 'Seven Lakes'

Jun 1, 2026, 2:49 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

May madidiskubre pa bang lihim ang mga siyentipiko sa "Seven Lakes" ng San Pablo City, Laguna?

Ito ang isa sa mga pangunahing layunin ng pakikipagsanib-pwersa ng University of the Philippines - Los Baños Campus (UPLB) at ng pamahalaang lungsod ng San Pablo kamakailan.


Pormal na nilagdaan ni San Pablo City Mayor Najie Gapangada at UPLB Chancellor Jose Camacho Jr. ang isang kasunduan na nagtatatag ng "UPLB-7LAKES" program, na siyang tutuon sa mga "makaagham" na solusyon laban sa pagkasira ng kalikasan, wastong paggamit ng likas-yaman, rehabilitasyon ng mga lawa, at pagpapalawak ng partisipasyon ng komunidad.


Sa ilalim ng kasunduan, pangungunahan ng UPLB ang mga teknikal at pananaliksik na bahagi ng programa habang tututok naman ang pamahalaang lungsod sa lokal na koordinasyon, pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder, at suporta sa pagpapatupad ng mga polisiya.


Kabilang din sa pagtutulungan ang environmental monitoring, capability-building, technology transfer, policy formulation, at information and awareness campaigns.


Sa isang pahayag, sinabi ni Gapangada na mahalagang hakbang ang nasabing kasunduan upang higit pang maitaguyod ang Lungsod ng San Pablo bilang huwaran sa napapanatiling pamamahala ng mga lawa at pakikipagtulungan sa larangan ng environmental research sa bansa.


(Ulat mula sa San Pablo CIO)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #UPLB


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.