Kinumpirma na rin ng Department of Health (DOH) Calabarzon ang naunang ulat ng DOH ukol sa naitalang kaso ng Mpox sa rehiyon nitong nakaraang August 29.
Hindi pa rin binanggit ng DOH kung saang probinsya o bayan naiulat ang naturang kaso.
Ayon sa ahensya, unang nagkasintomas ng Mpox ang pasyente noong August 10 nang ito ay lagnatin at magkaroon ng rashes kaya naman agad itong nagpakonsulta sa rural health unit ng kanilang lugar.
Sa ngayon ay nagpapagaling na ang pasyente sa kanyang bahay at binabantayan ng local health authorities.
Ang Mpox (na dating tinatawag na monkey pox) ay isang nakahahawang sakit na nakukuha sa pamamagitan ng close contact sa balat o ‘mucosal lesions’ sa isang infected na tao tulad ng talking, breathing, kissing, touching, hugging, sexual intercourse, at respiratory secretions.
Maaari ring mahawa sa pamamagitan ng exposure sa mga kontaminadong bagay tulad ng bedding, at damit.
Ilan sa mga sintomas ng Mpox ay ang rashes sa balat na maaaring tumagal ng dalawa hanggang apat na linggo, lagnat, swollen lymph nodes, sore throat, at pananakit ng kalamnan, likod at ulo.
Pinapaalala rin ng DOH na kung makaranas ng sintomas ay agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o makipag-ugnayan sa National Patient Navigation and Referral Center sa hotline na 1555 (press 2).
#WeTakeAStand #OpinYon #DOH #MPoxCase #PublicHealth