Pinangunahan ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang kauna-unahang General Assembly ng "Kasandigan ng Kabataan," isang accredited non-government organization (NGO), nitong Linggo, February 18
Ayon kay Laguna Public Information Officer Christopher Sanji na siya ring nagtatag sa naturang organisasyon, layunin ng Kasandigan ng Kabataan na ipalaganap sa mga kabataang Lagunense ang "kamalayan, kalinga sa kapwa at kapaligiran tungo sa kapayapaan at kaunlaran." Aabot sa 532 youth leaders mula sa 54 na mga barangay sa Calamba City ang dumalo sa nasabing pagtitipon. (Larawan mula kay Christopher Sanji)
#WeTakeAStand #OpinYon #KasandiganNgKabataan #NGO #GovRamilHernandez