Pormal na isinagawa noong Sabado, February 14, ang Kasalang Bayan sa Unisan, Quezon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso at bilang bahagi ng paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Unisan.
Labindalawang magkapareha ang nabigyan ng libreng sakramento ng kasal sa St. Peter the Apostle Parish Church.
Pinangunahan ang seremonya ni Rev. Fr. Gilbert M. Talabong, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng banal na sakramento ng kasal at sa responsibilidad ng mag-asawa na itaguyod ang pagmamahalan, katapatan, at pananampalataya bilang matibay na pundasyon ng pamilya.
Kabilang sa mga tumayong pangalawang magulang ang Ama ng bayan Mayor Omar Veluz, na nagpahayag ng suporta at pagbati sa mga bagong kasal.
Patuloy din aniya ang paninindigan ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng institusyon ng pamilya bilang pangunahing yunit ng lipunan.
Ang nasabing programa ay bahagi ng mga inisyatiba ng pamahalaang bayan na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga magkaparehang nais gawing ganap at legal ang kanilang pagsasama, lalo na yaong may limitadong kakayahang pinansyal.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

