MABINI -- Dahil sa mas pinapaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa pamumuno ni PMaj Arwin Caimbon, acting chief of police ng Municipal Police Station, natiklo ang tinaguriang kilabot sa pagbebenta ng droga sa bayang ito.
Nasakote ang suspek noong Huwebes (15 Feb 2024), bandang alas-7:45 ng gabi sa Barangay Pulong Niogan, Mabini, Batangas.
Kinilala ng kapulisan ang suspek sa alias na “Isla,” lalaki, tatlumpu’t limang (35) taong gulang walang asawa, massage therapist na nakatira sa Brgy Bolbok, Batangas City.
Ayon sa report, ang suspek ay naaktuhan na nagbebenta nang pinaghihinalaang shabu sa operatiba ng Mabini Municipal Police Station na umakto bilang poseur-buyer.
Narekober mula sa suspek ang ginamit na buy bust money na minarkahan bago magsimula ang transaksyon.
Samantala, ang mga ebidensya na nakuha sa suspek ay nai-turn over sa Batangas Provincial Crime Labaratory Office upang suriin kung positibo itong ipinagbabawal na gamot bilang paghahanda sa pagsasampa ng kaso ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 o Comperehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa Mabini MPS Lock Up Cell.
“Mahigpit na ipinagbabawal sa bayan ng Mabini ang ibat-ibang uri ng iligal na droga. Ang sinuman na lalabag dito ay nakakasiguro na mananagot sa batas,” wika ni Pmaj Caimbon.
Batangas City anti-drugs
Samantala, ng araw iyon natiklo din sa mga miyembro ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Batangas City Police Station sa pamumuno ni acting police chief PltCol Diana DC Del Rosario ang isa pang suspek sa pagtutulak ng iligal na droga sa isa ring buy-bust operation.
Kinilala ang suspek na si Julius Geron y Catalo alias Mochon (43), walang trabaho at asawa at nakatira sa Brgy Pallocan West, Batangas City.
Nakuha sa kanya ang isang (1) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman diumano ng shabu, bandang alas-9:22 ng gabi sa Barangay Gulod Labac, Batangas City.
#WeTakeAStand #OpinYon #WarOnDrugs