Tugon sa kontaminadong tubig sa Los Baños
water services

Tugon sa kontaminadong tubig sa Los Baños

Dec 10, 2025, 1:33 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Tiniyak ng mga opisyal sa Los Ba؜ños, Laguna na inaaksyunan na nito ang isyu sa kontaminasyon ng inuming tubig sa nasabing bayan.

Matatandaang isang pag-aaral na isinagawa ng mga dalubhasa sa University of the Philippines – Los Baños campus (UPLB) ang nagsabing mataas umano ang lebel ng E. coli bacteria sa tubig na nanggagaling sa mga poso sa tatlong barangay dito.




Dalawang resolusyon na ang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Los Baños upang resolbahin ang nasabing isyu, ayon kay Konsehala Muriel Laisa Dizon.




Bukod sa pakikipag-ugnayan sa UPLB upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagsisigurong malinis ang nakukuhang tubig ng mga residente ng Los Baños, mas paiigtingin rin ng LGU ang pagpapatupad sa Philippine Water Code (Presidential Decree No. 1067) sa naturang bayan.




We are collaborating with UPLB Community Affairs to ensure we hold meetings to address this issue because they are the ones with the technical expertise who know how to handle crisis management,” ani Dizon.




“We are also intensifying the implementation of the Philippine Water Code. We adopted it before, but as the chairperson of Science and Technology and Health, Nutrition and Sanitation, I am now leading its enforcement. Wells are not meant for domestic use; people know they should not be drinking from them, though some still use them for irrigation, washing, or even in bathing and we need to reinforce this,” dagdag pa niya.




Bukod pa rito, nakikipag-ugnayan na rin aniya ang LGU sa Municipal Health Office at mga barangay upang makalikha ng pangmatagalang solusyon sa isyu ng kalidad ng tubig sa Los Baños.




Matatandaang naging isyu rin ang kaligtasan ng inuming tubig na sinusuplay ng Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC) dahil umano sa mataas na lebel ng arsenic sa water supply nito.




(Ulat mula sa Philippine Information Agency)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #LARC #WaterSupply


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.