SABI nga nila, basta driver, sweet lover. Ngunit sa likod ng mga ngiti sa kanilang mga labi, sa kanilang bawat pawis at pagsusumikap may ibubungang tagumpay.
Kilalanin si Michael Daniel Angelo Santander ng Lucena City, na isang tricycle driver noon na isang undergraduate sa STI Batangas sa kursong Computer Engineering.
"Mahirap maging tricycle driver at lahat naman ng trabaho ay mahirap. Physically, oo mahirap at maraming makakarelate na kapwa ko tricycle driver. Mainit at hindi sa lahat ng pagkakataon ay may pasahero, samahan pa ng pagtaas ng presyo ng gasoline,” aniya.
Ika nga, kung puro reklamo at titignan lamang ay ang salitang "pagod" sadyang panghihinaan ng kalooban.
Kuwento ni Santander, August 2018 nang magdesisyon siyang pumasok sa direct selling business dahil sa kagustuhan niyang magbago ang takbo ng kanyang buhay.
Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap at ngayo’y mayroon na siyang pinapatakbong dalawang J&T Express branch at apat na bagong opisina sa DS Venture Hub sa Lucena City.
Bukod pa rito, nakapagpundar rin siya ng dalawang bahay, isang 6,000-square meter farm lot, at dalawang sasakyan.
"Hindi ibig sabihin na nagtagumpay ka na, Kakampante ka na, kasi ang pagiging successful ay hindi natatapos sa isang tagumpay lang. Dere-derecho lang,” dagdag pa niya.
Sabi nga nila, bawal ang “ningas-kugon” at walang mararating kung magaling lamang sa simula
"There is no secret to become successful. Stay humble and your feet on the ground, dapat laging mababa,dapat ang paa ay laging nakatapak sa lupa. Piliin na laging low key, dahil mas itinataas ang taong mababa,” ani Santander
#humanstories #TricycleDriver #negosyante #quezonnews #opinyonnews

