Laking pasasalamat ng isang traffic enforcer sa Santa Rosa City, Laguna matapos mabawi ang kanyang motorsiklo na tinangkang tangayin noong Miyerkules, March 26.
Batay sa ulat ng Santa Rosa City Police Station, bandang alas-dos ng hapon nang madiskubre ng traffic enforcer na kinilala sa alyas na "Michael" na nawawala ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa parking lot ng isang malaking mall sa Barangay Tagapo.
Humingi agad siya ng tulong sa mga kapwa traffic enforcer at mga pulis upang marekober ang tinangay na motor.
Bandang 2:30 naman nang maharang ng dalawa pang traffic enforcer ang suspek na kinilalang si alyas "Gibson" habang minamaneho ang ninakaw na motorsiklo sa isang subdivision sa Barangay Labas.
Nakadetine na si "Gibson" sa Santa Rosa City Police Station habang inihahanda ang kasong carnapping laban sa kanya.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #StaRosaCityPolice