Trading Center, pinasinayaan ng DA sa Sariaya photo OpinYon Quezonin
Quezon

Trading center sa Sariaya

Nov 1, 2021, 5:46 AM
OpinYon Editorial

OpinYon Editorial

Writer

KAMAKAILAN ay pinasinayaan ng Department of Agriculture ang Sariaya Agricultural Trading Center and Facilities at paglulunsad sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) kamakailan.

Pinangunahan ito nina DA Secretary William D. Dar at DA IV-Calabarzon (DA-4) OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan.

Ang Sariaya Agricultural Trading Center ay makatutulong sa mga magsasaka upang maging mas madali ang pagbebenta ng kanilang mga produkto. Dito magkikita ang mga magsasaka at mamimili ng mga gulay at prutas.

Nakapaloob sa trading center ang 160 stalls, administrative building, trading facilities, parking lot, at mga daanang nag-uugnay mula rito patungo sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay Cristina Generoso, general manager ng Pinagdanlayan Rural Improvement Club-Multi-Purpose Cooperative, hindi na mahihirapang makarating ang mga agricultural products sa merkado.

Samantala, tumanggap ng P5,000 ang 100 benepisyaryong magsasaka ng palay mula sa labis na taripang nakolekta mula sa implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na hango sa RA 11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL).

Ayon kay Secretary Dar, naging matagumpay ang implementasyon ng RTL dahil bukod sa maraming magpapalay ang nakinabang sa mga interbensyon mula sa RCEF, nagkaroon din ng higit pa sa sapat na dami ng bigas sa buong bansa at walang naging rice inflation mula noon.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, ang maliliit na magpapalay na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may palayan na hindi lalampas sa dalawang ektarya ang sukat ang silang magiging benepisyaryo ng RFFA.

Ang mga proyektong tulad nito ay talagang inaasahan ng mga magsasaka ng palay, bilang patunay na may maganda ngang nagawa sa buong bayan ang Rice Tariffication Law.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.