Trading Center, pinasinayaan ng DA sa Sariaya photo OpinYon Quezonin
Quezon

Trading Center, pinasinayaan ng DA sa Sariaya

Oct 25, 2021, 5:38 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Dahil sa bagong bukas na Trading Center sa Sariaya, Quezon, hindi na mahihirapang i-transport ng mga magsasaka sa bayang ito ang kanilang mga produkto sa malayong lugar gaya ng Manila.

SARIAYA, Quezon – Pinangunahan nina Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar at DA IV-CALABARZON (DA-4) OIC-Regional Executive Director Vilma M. Dimaculangan ang pagpapasinaya sa bagong tayong Sariaya Agricultural Trading Center and Facilities at paglulunsad sa Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa bayang ito kamakailan.

AngSariaya Agricultural Trading Center ay makatutulong sa mgamagsasaka upang maging mas madali ang pagbebenta ng mga produkto.

Ito ang pagbababaan ng mga produkto ng mga magsasaka na madaling mapuntahan ng mga mamimili.

Nakapaloob sa naturang trading center ang 160 stalls, administrative building, trading facilities, parking lot, at mga daanang nag-uugnay mula rito patungo sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay Cristina Generoso, General Manager ng Pinagdanlayan Rural Improvement Club-Multi-Purpose Cooperative (PRIC-MPC), hindi na mahihirapang i-transport ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa malayong lugar gaya ng Manila.

“Puwedeng ‘yong mga mamimili na ang magpunta rito at maghahanap ng produkto. Alam kasi nilang mas mura, direct na galing sa farmers, at freshly harvested ang mga produktong nandito. Male-lessen ang transport expenses ng mga farmers,” dagdag pa ni Generoso.

Tumanggap rin ng P5,000 ang 100 benepisyaryong magsasaka ng palay mula sa labis na taripang nakolekta mula sa implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na hango sa Republic Act (RA) No. 11203 (Rice Tarriffication Act)

Ayon kay Secretary Dar, naging matagumpay ang implementasyon ng RTL dahil bukod sa maraming magpapalay ang nakinabang sa mga interbensyon mula sa RCEF, nagkaroon din ng higit pa sa sapat na dami ng bigas sa buong bansa at walang naging rice inflation mula noon.

Nagpasalamat naman ang samahan ng Magpapalay ng Sariaya, Quezon sa tulong na hatid ng DA.

“Sa ngalan po ng aming samahan, nagpapasalamat po kami sa Department of Agriculture, sa pangunguna ni Secretary Dar. Iyong 5,000 ay magagamit po sa pagbili ng farm inputs na kailangang-kailangan namin lalo’t magsisimula na uli ang planting season,” ani Gil Virtucio, miyembro ng Samahan ng Magpapalay ng Sariaya, Quezon.

Dumalo rin sa pasinaya sina Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization Engr. Ariel T. Cayanan,mga opisyal ng DA ,1st District of Quezon Representative Cong. Wilfrido Mark M. Enverga,2nd District Representative Cong. David “Jay-jay” Suarez, Quezon Governor DaniloSuarez, Sariaya Mayor Marcelo P. Gayeta at iba pang ahensiya ng lokal na pamahalaan.

Tags: #OpinYonQuezon, #SariayaQuezon, #DepartmentOfAgriculture, #SariayaTradingCenter


More about Quezon

DOH eyeing to administer 1M vaccine doses in Calabarzon photo Quezonin

DOH eyeing to administer 1M vaccine doses in Calabarzon

an hour ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.