Tony Mabesa exhibit, binuksan
Culture and The Arts

Tony Mabesa exhibit, binuksan

Oct 29, 2024, 2:53 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang exhibit ang binuksan sa Biñan City, Laguna nitong nakaraang Linggo, October 20, upang bigyang-pugay ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Teatro na si Antonio "Tony" Mabesa.

Pinangunahan ng Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office (BCHATO), mga kasapi ng Biñan Youth Performance Council, at mga kaanak ni Mabesa ang pagbubukas ng "Ang Susunod na Produksiyon: Natatanging Pamana ni Tony Mabesa" sa Historic Alberto Mansion.

Tampok sa nasabing exhibit ang mga personal na gamit ng National Artist, gayundin ang mga diorama na naglalarawan sa kanyang naging buhay at karera.

Si Tony Mabesa (1935-2019), na tubong Los Baños, Laguna, ay nakilala bilang isa sa mga pinaka-prominenteng direktor ng teatro sa bansa.


Siya ay kinikilala ngayon bilang isang "founding father" ng Philippine university theater, dahil sa pagpupursigi niyang maiangat ang sining ng pag-arte sa University of the Philippines (UP) - Diliman Campus.

Tumagal ang nasabing exhibit hanggang nitong nakaraang Sabado, October 26.

(Larawan mula sa Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #TonyMabesa #BCHATO #BiñanLGU


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.