Tirador ng motor, arestado
Arrest

Tirador ng motor, arestado

Feb 23, 2026, 2:26 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Tiklo agad ang isang carnapper ng motorsiklo sa isang follow-up operation sa Calamba City, Laguna noong Lunes, February 16.

Kinilala ng Calamba City Police Station ang suspek na si alyas "Gino," 30 anyos at residente ng Barangay Kay-Anlog ng lungsod na ito.


Nag-ugat ang pagkakaaresto kay "Gino" sa reklamong isinampa ng isang alyas "Edwin," residente ng Barangay Lawa, Calamba City, Laguna, na pinagnakawan umano ng suspek ng motorsiklo.


Ayon sa salaysay ng isang saksi, hiniram umano niya ang motorsiklo ng biktima upang makapamili ng ilang grocery items, kung saan inihinto niya ito sa harapan ng isang establisyimento sa Barangay Parian.


Makalipas ang dalawang oras, binalikan ng saksi ang lugar na pinaghintuan niya ng motorsiklo ngunit nadiskubre niyang wala na roon ang sasakyan.


Kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa kanyang mga kaibigan, hanggang sa isa sa kanila ang nag-ulat na nakita niya umanong minamaneho ito sa bahagi ng Barangay Kay-Anlog.


Iniulat naman ito ng biktima sa mga awtoridad na nagpapatrulya sa naturang lugar, hanggang sa masukol nila ang suspek sa aktong pagmamaneho ng ninakaw na motorsiklo.


Nakadetine na sa Calamba City Police Station si alyas "Gino" habang inihahanda ang kasong carnapping laban sa kanya.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.