Caught in the act ang isang lalaki na nagnanakaw ng mga construction material sa isang subdivision sa Biñan City, Laguna nitong nakaraang Martes, February 25.
Mismong ang biktima na hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang nagsuplong sa suspek na kinilalang si alyas "Joel," 49 anyos at residente ng Barangay Cuyab, San Pedro City, Laguna, sa Biñan City Police Station matapos nitong mahuli sa akto.
Batay sa salaysay ng biktima, sinira umano ng suspek, kasama ang kanyang mga kasabwat, ang perimeter wall ng isang subdivision sa Barangay San Antonio, Biñan City, bandang hapon ng Martes, upang makapasok sa lote ng biktima.
Nang imbestigahan ng biktima ang mga naririnig na ingay mula sa kanyang lote ay doon na niya naaktuhan ang suspek na nagpupuslit ng mga bakal at construction materials na ipinapasa niya sa kanyang mga kasamahan.
Naaresto naman si alyas "Joel" sa tulong ng mga barangay tanod na rumesponde sa insidente.
Isang follow-up operation naman ang ikinasa ng mga awtoridad upang mahuli ang mga kasabwat ng suspek na tumakas matapos ang insidente.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #Crimes #PoliceReports