TINGNAN: Pagbisita ng WB sa farm-to-market project sa Tagkawayan
Government Infrastracture

TINGNAN: Pagbisita ng WB sa farm-to-market project sa Tagkawayan

Feb 29, 2024, 6:06 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Pinangunahan ng mga tauhan ng World Bank ang isa sa mga proyektong pinondohan ng pandaigdigang institusyon sa Tagkawayan, Quezon nitong February 28.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan, halos kalahati na o 48.91 porsiyentong kumpleto ang farm-to-market road sa mga barangay ng Sta. Monica, Sto. Niño I, San Roque, at Manato Station.

Ang naturang proyekto ay pinondohan ng World Bank sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture (DA).

Pinuri naman ng mga tauhan ng World Bank sa pangunguna ni Consultant Engr. Raoul Azanza si Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar dahil sa mabilis na pag-iimplement ng nasabing proyekto na sa ngayon ay dalawang buwan na abante sa scheduled date of completion nito.

Ayon naman kay Mayor Eleazar, patuloy pa ring ginagamit ng Tagkawayan ang natutunan nila sa KALAHI Implementation kung saan pinahahalagahan ang boses at partisipasyon ng mga residente sa mga proyekto.

Maitatalang 45 sa 72 na manggagawa ng FMR ay mula sa apat na barangay na sakop ng naturang proyekto.

#WeTakeAStand #OpinYon #WorldBank #DepartmentofAgriculture


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.