Tinangay na motor, sinangla pala
OpinYon Laguna

Tinangay na motor, sinangla pala

Oct 14, 2025, 7:03 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Kaagad natunton ng isang taga-Lipa City, Batangas ang kanyang ninakaw na motorsiklo matapos itong isangla ng suspek sa isang taga-Alaminos, Laguna.

Mismong ang pinagsanglaan ng motorsiklo na si alyas "Rosemarie," residente ng Barangay San Benito, Alaminos, Laguna, ang nag-ulat na isinangla sa kanya ang motorsiklong tinangay mula sa isang alyas "Andrei," 19 anyos at residente ng Barangay Bulacnin, Lipa City, Batangas.

Ayon kay "Andrei," huli niyang nakita ang nasabing motorsiklo na nakarehistro sa kanyang ama nang i-park niya ito sa harapan ng Ospital ng Lipa noong October 6.

Nang pagbalik niya bandang alas-singko, doon niya nadiskubre na nawawala na pala ang motorsiklo.

Nang mag-post siya sa social media ukol sa pagkawala ng motorsiklo, kaagad siyang kinontak ni alyas "Rosemarie," na nagsabing sa kanya umano isinangla ang nasabing motorsiklo ng isang alyas "Lemuel."

Kaagad namang pinuntahan ng mga tauhan ng Lipa City police si "Rosemarie," na siyang nagkumpirma sa pagkakakilanlan ng suspek batay sa CCTV footage sa lugar kung saan tinangay ang motorsiklo.

Naibalik sa biktima ang motorsiklo, habang pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad si "Lemuel" na nahaharap ngayon sa kasong theft.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PoliceReport


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.