Tiaong OTOP Hub, binuksan na
Quezon

Tiaong OTOP Hub, binuksan na

Dec 28, 2021, 6:05 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

TIAONG, Quezon - Binuksan na ang One Town One Product (OTOP) Philippines Hub sa Barangay Lumingan sa bayang ito kamakailan.

Ito ang pangalawang OTOP sa Quezon na magiging sentro ng bilihan ng mgapasalubong at produktong Quezonin.

Ang unang OTOP Philippines Hub sa Quezon ay matatagpuan sa Lucena City.

Ayon sa provincial director ng Department of Trade and Industry (DTI) - Quezon na si Julieta Tadiosa, malaking tulong para sa mga local manufacturers at local government units na maibenta ang kanilang lokal na produkto tulad ng coco jam, atsara, suka, salabat at iba pang produktong Quezonin.

"Makakabili ang mga motorista, mga dayuhan at iba pang mamimili ng mga de-kalidad na produkto dito. Uunlad ang maliliit na negosyo kung ito'y tatangkilikin ng maraming mamimili,” dagdag pa ni Tadiosa.

(Larawan mula kay Lito Giron)

Tags: #TiaongQuezon #opinyonquezon #opinyonnews #QuezonProvince


More about Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

3 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.