Tiaong Municipal Hospital, binuksan na sa publiko
Quezon

Tiaong Municipal Hospital, binuksan na sa publiko

Jan 12, 2022, 7:53 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

TIAONG, Quezon – Mas mapapabilis na ang paghahatid ng serbisyo medikal sa bayang ito sa pagbubukas ng bagong Tiaong Municipal Hospital nitong nakaraang Martes (January 11).

Pinangunahan ang “soft opening” ng nasabing ospital nina Tiaong Mayor Ramon Abad Preza, mga kawani ng Municipal Health Office, at Dr. Elizalde Bercero Jr, OIC-MHO, kasama na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon sa Licensing Department ng Department of Health Center for Health Development Calabarzon, pasok ang plano o disenyo para maging Level 1 Hospital.

Anila, kailangan lamangkumpletuhin ang mga kaukulang dokumento para maipasa at makuha ang lisensya.

Lahat ng anumang transaksyon, certificates, permits, medical consultation ay sa bagong Hospital na isasagawa.

Summary: Mas mapapabilis na ang paghahatid ng serbisyo medikal sa bayang ito sa pagbubukas ng bagong Tiaong Municipal Hospital nitong nakaraang Martes (January 11).

Tags: #tioangquezon#opinyonnews#quezonprovince


More about Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

SLSU College of Medicine Building to rise in Lucban, Quezon

a day ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.