Teachers, may discount sa San Pedro City
OpinYon Laguna

Teachers, may discount sa San Pedro City

Sep 16, 2024, 3:11 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Hindi biro ang mga sakripisyo na kinakaharap ng mga guro - maging pampubliko man o pribado - sa pagganap sa kanilang mga tungkuling mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan.

Bukod sa sweldo na halos kasya na lamang (o kung minsan ay kulang pa) para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, may mga pagkakataon na sila pa ang bumubili ng mga learning material na kanilang ginagamit para sa pagtuturo.

Isa lamang ito sa mga dahilan upang naisipan ng pamahalaang lungsod ng San Pedro City, Laguna na mas bigyang-halaga pa ang paglilingkod ng mga guro kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers' Month ngayong buwan ng Setyembre.

Sa bisa ng Resolution No. 2024-166 na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng San Pedro noong August 20 ngunit isinapubliko noong September 9, inaatasan ang lahat ng mga business establishment sa lungsod na magbigay ng discounts sa lahat ng mga guro at "learning support" mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Pedro City mula September 5 hanggang October 5.


"It is right and fitting to provide special benefits to the school teaching personnel and learning support staff in public and private schools in recognition to their heroic dedication in guiding the children, youth and adults through the life-long learning process," paliwanag ng resolusyon na inihain ni Konsehala Vivi Villegas.

Nasa discretion na ng mga establisyimento kung anong porsiyento ang maaari nilang ibigay na mga diskwento para sa mga guro, gayundin ang mechanics ng pagbibigay ng diskwento.

Teachers, may discount sa San Pedro City_1

Teachers, may discount sa San Pedro City_1

Teachers, may discount sa San Pedro City_2

Teachers, may discount sa San Pedro City_2

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #NationalTeachersMonth


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.