Tayabas City, humakot ng 3 ginto sa RAAM Calabarzon 2026
Sports/Games

Tayabas City, humakot ng 3 ginto sa RAAM Calabarzon 2026

Mar 18, 2026, 6:51 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Patuloy na nagpapakitang-gilas ang Tayabas City sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) CALABARZON 2026 matapos humakot ng medalya ang kanilang mga atleta mula sa iba’t ibang kategorya.

Batay sa partial at unofficial medal tally noong Marso 12, 2026 as of 4:00 PM, nakamit ng delegasyon ang tatlong Gold, dalawang Silver, at limang Bronze—isang patunay ng talento at dedikasyon ng mga kabataang Tayabasin.


Gold Medal

-Rainy Jane Abres – Boxing (Secondary Girls)

-Noel Andre Zachary Zoleta – Table Tennis (Elementary)

-Kylene Jannah Abres– Boxing (Secondary)


Silver Medal

-Liam Kendrick O. Yuzon – Badminton ( Elementary Boys)

-Zen Cedrick Baracael – Arnis Full Contact

-Lady Collen Penaflorida (Taekwando)


Bronze Medal

-Justin Adrian D. Rivas – Boxing, Secondary Boys (46-48 kg)

-Jhon Jeric D. Sumalinog – Boxing, Secondary Boys (Under 17, 46-48 kg)

-Romel Jr. M. Alabis – Boxing, Secondary Boys (48-50 kg)

-Fatima Gwyneth Q. Orge – Arnis Full Contact, Secondary Girls

-Nian Pabilando – Arnis Anyo, Secondary Girls

-Lance Juniel Pelaez-Taekwando,Elementary Boys


Ipinahayag ni Imelda Raymundo, School Governance and Operations Division (SGOD) ng SDO Tayabas, ang kaniyang labis na pasasalamat at paghanga sa tagumpay ng lungsod at ng mga manlalaro.


"Indeed... our accomplishments are great with that very limited resources. Other division spent hundred millions and yet our players made it to grab gold, silver and bronze to share and bring pride to our CITY... hats off to our coaches, trainers and athletes... we are now on our road to Palarong Pambansa!" pahayag ni Raymundo sa kaniyang Facebook Page.


Nagpahatid din ng mainit na pagbati si Celedonio Balderas Jr., Schools Division Superintendent.


"Natutuwa ang pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Tayabas s natamong karangalan sa Regional Athletic Association Meet 2026 dahil ito ay patunay sa pagsisikap ng ating mga manlalaro, coaches, at trainers na maiangat ang ating performance sa nasabing palaro," pahayag ni Balderas sa Opinyon Quezonin.


Dalawang taon na ang ginagawang pagpupunyagi ng mga manlalarong Tayabasin mula pa noong 2024.


"Lubos ang pasasalamat sa pamahalaang panglungsod po sa pamumuno ng ating Mayor Piwa Lim sa malaking suportang kaloob sa ating manlalaro dahil nakabalik na tayo sa Palarong Pambansa," dagdag na pahayag ng superintendent.


Inspirasyon ang dala ng delegasyon ng Tayabas City, na ngayon ay nakatuon na sa susunod na hamon—ang Palarong Pambansa 2026 na gaganapin sa Agusan del Sur mula huling bahagi ng Mayo (bandang Mayo 24) hanggang unang bahagi ng Hunyo.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.