Muli na namang ipinamalas ng mga kabataang Lagunense hindi lamang ang kanilang kahusayan sa pamamahala kundi pati na rin ang hangarin nila ng isang maayos at matapat na gobyerno.
Kinilala bilang National Finalists ng Model SK at ng Center for Youth Advocacy and Networking (CYAN) ang Sangguniang Kabataan (SK) Councils mula sa Barangay Langgam sa San Pedro City at Barangay Langkiwa at San Antonio sa Biñan City, Laguna para sa Pambansang Sagisag ng Modelong Paggogobyerno nitong Martes, Agosto 27
Tatlong SK sa Laguna, kinilala sa 'Modelong Paggogobyerno'
Ang tatlong SK councils ay ang napili mula sa anim na finalists ng probinsya ng Laguna na mula sa mga barangay ng San Vicente, Timbao, Langkiwa, at San Antonio sa Biñan City at Pacita 1 at Langgam sa San Pedro.
Itinanghal rin na finalists ng lalawigan sa kategorya ng Local Youth Development Office (LYDO) ang Calamba City at San Pedro City habang sa mga student governments naman ay lima ang napili mula sa mga bayan ng Santa Cruz, San Pablo City, Pangil, at Cabuyao City.
Ang Model SK at CYAN ay mga organisasyong nagkakampeon sa ‘youth centered model governance’ at may layuning kilalanin ang mga SK officials, LYDO, at youth organizations na may angking husay at epektibong implementasyon ng SK Reform Law.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #CYAN #LYDO